Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Forty-Five

Share

Chapter Forty-Five

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-09-30 16:12:39

Binaybay nila ang daan patungo sa bayan upang makalayo sa mga hudlom na gustong pumatay kay Cassandra. Habang minamaneho ni Aries ang sasakyan patungo sa kanilang tutuluyang private resort, nakatutok pa rin ang baril sa kanyang tagiliran. Kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang address na ipinadala ni Mrs. Lucia—isang alternatibong lugar na maaari nilang puntahan kung sakaling magkaroon ng problema sa rest house, tulad ngayon.

"Brod, ilayo mo nga ang baril sa akin. Baka makalabit mo 'yan," puna ni Aries kay Christopher. Hindi siya mapakali sa pagmamaneho dahil sa matinding takot.

Napangisi lamang si Christopher at mas diniin pa ang baril sa tagiliran ni Aries, na lalong nagparamdam ng takot dito. Pakiramdam ni Aries ay pinagpapawisan na siya nang husto dahil sa tensyon. Napapansin niya ang seryosong mukha ni Christopher na nakatuon lamang sa daan.

"Magmaneho ka lang at siguraduhing tama ang pupuntahan natin," utos ni Christopher kay Aries. Maingat niyang sinusundan ng t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Bodyguard   Chapter Forty- Seven

    "WHAT the hell are you doing, Hudson?” Napalingon si Don Manuel nang marinig ang boses ng kanyang ama. Nakatitig lamang ito sa kanya habang ibinubuga ang usok ng sigarilyo. Napangisi pa ito at umiling-iling. “What? Wala kang gagawin? Tingnan mo ang spoiled brat mong anak, ipapahamak pa tayo!” singhal ni Hudson sa kanyang ama. “Think of it, Papa. Siya ang dahilan kung bakit nakatakas si Cassandra at ang bodyguard niya, dahil si Aries mismo ang tumulong sa kanila!” Pasalampak siyang umupo sa sofa, bakas sa mukha ang galit kay Aries. “Hindi ka na nasanay sa kapatid mo. Alam mo namang walang isang salita ‘yan. And, I’m sure babaliktad din ‘yan at tayo pa rin naman ang pipiliin niya,” sabi ni Don Manuel. Lumapit siya kay Hudson at tinapik-tapik ang balikat nito. “Siguraduhin mo lang, Papa. Dahil kung hindi, kakalimutan kong kapatid ko siya,” giit ni Hudson, nakakuyom ang kamao at halos magkulay kamatis ang mukha sa galit. “Hudson, my son. Think better bago ka magwala diyan,” sabi ni

  • My Bodyguard   Chapter Forty-Six

    PASIKAT na ang araw pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Cassandra. Nakadungaw siya sa bintana, pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. lsang tasa ng kape ang iniabot ni Christopher. Umupo siya sa tabi ni Cassandra at pinagmamasdan din ang magandang tanawin. "Ang ganda, ano?" Napangiti si Cassandra kay Christopher at sinimsim ang kape. Napatango si Christopher at muling tumingin sa labas. "Oo, kasing ganda mo," bulong ni Christopher. Lalong lumapad ang ngiti ni Cassandra. Are you crazy, Papa? Kahit patayin mo si Lucia, wala kang makukuhang impormasyon.” Tumayo siya at kinuha ang handgun sa tabi niya, isinukbit ito sa beywang, at lumabas ng mansyon. “Stay here, Hudson. Don’t make any move. Mainit pa ang mata ng mga pulis sa atin,” pigil ni Don Manuel. Napangisi lamang si Hudson at itinutok ang baril sa sintido ni Don Manuel. “Relax, Papa. May mga lilinisin lang akong basura.” “I told you! You need to stay here kung ayaw mong tumira ng maraming taon sa rehas!” “Alam mo namang

  • My Bodyguard   Chapter Forty-Five

    Binaybay nila ang daan patungo sa bayan upang makalayo sa mga hudlom na gustong pumatay kay Cassandra. Habang minamaneho ni Aries ang sasakyan patungo sa kanilang tutuluyang private resort, nakatutok pa rin ang baril sa kanyang tagiliran. Kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang address na ipinadala ni Mrs. Lucia—isang alternatibong lugar na maaari nilang puntahan kung sakaling magkaroon ng problema sa rest house, tulad ngayon. "Brod, ilayo mo nga ang baril sa akin. Baka makalabit mo 'yan," puna ni Aries kay Christopher. Hindi siya mapakali sa pagmamaneho dahil sa matinding takot. Napangisi lamang si Christopher at mas diniin pa ang baril sa tagiliran ni Aries, na lalong nagparamdam ng takot dito. Pakiramdam ni Aries ay pinagpapawisan na siya nang husto dahil sa tensyon. Napapansin niya ang seryosong mukha ni Christopher na nakatuon lamang sa daan. "Magmaneho ka lang at siguraduhing tama ang pupuntahan natin," utos ni Christopher kay Aries. Maingat niyang sinusundan ng t

  • My Bodyguard   Chapter Forty- Four

    "UMALIS na kayo, Chris, at huwag mong pababayaan si Cassandra." Agad na tinakpan ni Manong Berting ng karpet ang maliit na pintuan at mabilis silang nagtungo sa kabilang silid. Pinindot nito ang maliit na buton na nakatayo sa ilalim ng mesa, at agad na pumasok silang mag-asawa, parang may remote control na kusa itong nagsara. Ito ay ang secret room na madalas na pinupuntahan ni Mrs. Lucia, at nasisigurado nilang magiging ligtas sila dito. Makipot ang daan palabas ng lihim na lagusan. Mabuti na lamang at may kasanayan si Christopher sa ganitong sitwasyon. Nakatulong ang pagiging X-US Military niya upang makatakas sila sa mga hudlom na humahabol sa kanila. Patagilid ang kanilang paglalakad at pilit na pinagkasya ang kanilang katawan. Magkaharap silang dalawa ngayon ni Cassandra; nakahawak si Cassandra sa leeg ni Christopher habang ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa beywang ng dalaga, at ang mga paa nito ay nakapatong sa mga paa ng binata. Napatingala si Christopher nan

  • My Bodyguard   Chapter Forty- Three

    Bahagyang hinawi ni Christopher ang kurtina at pinagmasdan ang mga armadong lalaki na nakamasid sa labas ng rest house. Agad siyang nagbihis, kinuha ang dalawang baril mula sa drawer, isinuot niya ito sa beywang, at ang isa ay hawak-hawak niya. Si Cassandra ay parang estatwang hindi makakilos at nakatingin lamang sa labas ng bintana. Nilapitan siya ni Christopher at ginagap ang kanyang mga kamay, damang-dama niya ang takot ni Cassandra dahil nanginginig ang katawan nito. "Let's go. We need to get out of here," sabi ni Christopher habang hinila si Cassandra palabas ng kuwarto. "Sino sila? Bakit ang dami nilang dalang baril?" sunod-sunod na tanong niya kay Christopher. "Those people are hunting you. Kaya mabuti pang umalis na tayo dito." Mabilis ang kanilang paghakbang palabas ng kuwarto, ngunit napahinto sila nang pumihit ang doorknob. Agad na ikinasa ni Christopher ang baril at itinutok ito paharap sa pintuan. Isang kalabit lang ng baril ni Christopher ay tiyak na sasabog ang bao

  • My Bodyguard   Chapter Forty-Two

    KUMATOK siya nang tatlong sunod-sunod ngunit wala siyang naririnig na boses mula sa loob. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at maingat na isinara ang pinto. Nakahiga si Christopher sa kama at mahimbing ang tulog nito. Inilapag niya ang kanyang dala-dala sa maliit na mesita at tsaka umupo sa tabi ng binata. Maingat niyang tinanggal ang benda sa braso ni Christopher upang hindi ito magising, at saka pinunasan ang mga sugat nito. Walang suot na pang-itaas si Christopher, kaya lantad na lantad ang makisig nitong katawan at ang malapad nitong dibdib. Gusto man niyang iwasang tingnan ito, hindi niya magawa, dahil kahit anong iwas niya ay napapatingin siya sa dibdib nito, at parang may kuryenteng gumagapang sa kanyang katawan sa tuwing hinahawakan niya ang braso nito. Napabuntong-hininga siya nang malalim at pilit na iniiwasan na matapunan ng tingin ang hubad na katawan ni Christopher. Kumuha siya ng malinis na benda at muling binalot ang sugat ni Christopher. Akmang tatayo na sana

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status