"Saan ka pupunta?" nakataas ang kilay na tanong ni Nadz. "Don't tell me lalabas ka ng ganitong oras?"Nilingon ko siya habang isinusuot ang aking robe. "Oo, bakit, hindi ka ba sasama? Uuwi na tayo bukas. Let's make the best of it. Sulitin na natin."Ngumiwi siya. "Kaka-lotion ko lang, bwisit ka!""Kasalanan ko ba?" tinalikuran ko na siya at lumabas.Akala ko hindi siya susunod, pero mas nauna pa siyang nakalabas sa akin. Paglabas namin ng hotel, sinalubong kami ng malamig na ihip ng hangin. Napayakap ako sa sarili, ganoon din si Nadz, bago kami sabay na natawa na parang mga sira-ulo.Bababa na sana kami nang makita namin sina Radleigh, Xavier, at Kell na tila may seryosong pinag-uusapan. It must be related to work, sa expression pa lang nila, malalaman mo na."Siya nga pala," baling sa akin ni Nadz. "Umuwi na si Chia kanina. Lumalala raw ang sakit kaya sinundo na siya rito.""H-Ha? Eh, bakit nandito pa si Rad?" takang tanong ko."Nawawala kayo kanina, paano siya makakasama?"
最終更新日 : 2026-04-04 続きを読む