Nang makarating kami sa tapat ng apartment, halos tumigil ang tib0k ng puso ko. Nakaparada pa rin ang itim na SUV ni Radleigh sa labas. He was leaning against the car door with his arms crossed, his gaze piercing straight through Frost’s vehicle. Mukhang mapapasubo ako nito. "Dito na lang," bulong ko. "Salamat sa pagsakay sa trip ko," sabi ko at tumawa kahit kabado. "Mukhang hinihintay ka rin ng Ninong mo," ani Frost, nakangisi. "Good luck, Bea! See you tomorrow!" "See you!" Kumaway ako sa kanila. Dahan-dahan akong bumaba. Pagkasara ng pinto ng sasakyan ni Frost ay agad silang umalis. Nang makalapit ako kay Rad papasok na sana sa loob, napatigil ako. "Twelve midnight, Bea," malamig na bungad niya. "Isang tawag mo lang kay Lola, akala mo ba sapat na 'yon para hindi ako mag-alala?" "Ninong, hindi na ako bata," sagot ko, pilit na nagmamatapang. "Kumain lang kami ng ice cream." Humakbang siya papalapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko, hindi masakit, pero mahigpit. "Ice
Last Updated : 2026-02-02 Read more