Habang sakay ako ng taxi patungong terminal, mabigat ang dibdib kong napatingin sa labas ng bintana. Para bang pinaaalala ng mundo na kahit anong problemang dinadala ko tungkol sa pag- ibig ay mas mabigat pa rin kapag pamilya na ang pinag uusapan.Problema na akala ko ay nalampasan ko na dahil mas pinili kong lumayo at mamuhay mag isa, iyong payapa at malayo sa gulo. Pero ngayon, napatunayan ko na hindi ko pala kailanman matatakasan ang responsibilidad ng pagiging isang anak. Na sa kabila ng ginawa ng ama ko, sa pagpili ng bago niyang pamilya, ay hindi pa rin nakakaya ng konsensiya kong pabayaan na lamang siyang nagkakasakit.Sa totoo lang, napakahirap nitong ginagawa ko ngayon pero ayaw ko namang usigin ako ng konsensiya ko pagdating ng panahon.Kaya baon ko ngayon ay lakas ng loob at tapang dahil hindi lang si papa ang makakaharap ko, kundi maging ang bago niyang pamilya na mas pinili niya noon pa keysa sa amin ni mama. Pamilyang hindi ko kailanman makakasundo.Pagkarating ko sa osp
Last Updated : 2025-10-04 Read more