Compartilhar

Kabanata 15

last update Última atualização: 2025-10-07 13:51:57

“Sa room 309 po Ma’am Iya. It’s critical care unit po.” Turan ni Kuya Edgar habang naglalakad kami patungo sa kwartong nasa dulong bahagi kaya bumilis na naman ang pintig ng dibdib ko habang papalapit kami ng papalapit.

Mas lalo akong kinabahan. Parang ayaw ko ng humakbang pero pinilit ko na lamang. Pero sa bawat paghakbang ko ay parang kay bigat ng aking mga paa at nanginginig.

“Si Karen po at Kelsey ma’am ay nasa loob. Gusto niyo po bang samahan ko kayo hanggang sa loob ma’am?” Concern na tanong ni Kuya Edgar na mabilis kong inilingan.

“Salamat kuya but I can handle this.” Mariing sagot ko na ikinatango naman nito.

Noon pa man ay alam ni Kuya Edgar kung paano ko ehandle ang mag- inang iyon. At never akong nagpaapi. Maaaring nagparaya ako dahil labis din akong nasaktan sa ginawa ni papa pero hindi ibig sabihin nun na hahayaan ko nalang ang kabit na Karen na iyon at ang anak nila sa labas na tapakan ang pagkatao ko.

At nang dumating ako sa may pintuan ay ilang beses akong nagpakawala
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (28)
goodnovel comment avatar
Mariya Agatha
Kapag tapos na po talaga ang Love by Mission maam.. para makapagfocus po.. Ilang chapters nalang po yon..
goodnovel comment avatar
Ann Ponsaran
wala na ata balak mgupdate c author ang tagal na
goodnovel comment avatar
Ann Ponsaran
wala pa din ba update dto tagal na eh
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 23

    Nagising ako sa isang malambot at malaking kutson na para bang lumulubog ang likod ko sa pagkakahiga. Mabigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit ko pa rin itong iminulat. At nang maimulat ko ng ito ay halos mapaso ako sa liwanag na sumalubong mula sa isang malaking bintana. The room isn’t familiar! Na— nasaan ako!? My eyes widened. Saka pa lamang unti unting nagsink-in sa utak ko ang huling nangyari at kung paano ako napadpad dito. Oh my goodness! Natutop ko ang bibig ko saka ako dahan dahang nagpalinga linga sa bawat sulok. Napakalaki ng kwartong ito at mabango ang paligid. Amoy mamahaling kandila na parang pinaghalo ang sandalwood at vanilla. At nang tumingala ako ay saka ko lang napansin ang sobrang taas na kisame, ang mamahaling chandelier, at ang pagkalaki-laking couch. This isn’t an ordinary room. Dahil kahit laki ako sa karangyaan ay ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking kwarto kaya natitiyak kong hindi basta ordinaryong tao ang nagpadukot sa akin. Kung

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 22

    “Ms. Villa Madrid, hindi pa talaga namin nirerekomenda na lumabas ka ngayon,” Mahinahong wika ng doktor habang inaayos nito ang chart ko. “You need rest. Your body is still recovering from stress exhaustion. Kung pwede sana at least another one or two days pa especially that you’re pregnant.”Napapikit ako. Inasahan ko na ang litanyang ito ng doktor pero kailangan ko pa ring lumabas dahil flight ko na bukas. Kapag hindi ako umalis, siguradong mahihirapan na akong makapagbook ulit ng ticket dahil wala na akong sapat na pera para doon. At kung gising at nakakapagsalita lang sana si papa ngayon, alam kong iyon ang nais niya.“Doc, I understand.” Sagot ko sa kalmado ding tono. “Pero may flight po ako bukas ng umaga. Hindi ko na po iyon puwedeng i-cancel.” Paliwanag ko pero ang tipo ng tingin nito ay halatang hindi sang- ayon.“Just to make it clear for you, hindi biro ang stress exhaustion Ms Villa Madrid. Your blood pressure dropped dangerously low. Your body is telling you something.” M

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 21

    Parang biglang nagslow- mo ang pangyayari.“Call an ambulance!” Naghi- hysterical na sigaw ko, nanginginig ang boses. “Papa, please!”Hawak ko siya sa dibdib, nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinipilit ko siyang gisingin. “Papa, please look at me… I’m sorry… I’m so sorry…” Humagulhol na ako. Hindi ko na malaman ang gagawin. Ngunit mas namutawi ang pag-aalala ko kay papa keysa sa kahihiyang ginawa ni Kelsey.At sa gitna ng kaguluhan at sa pagitan ng mga sigaw at ilaw ng kamera, bigla ko na lamang naramdaman ang pagkahilo. Bumigat ang ulo ko kasabay ng pag ikot ng aking paningin. At ang huling naalala ko ay ang mukha ni Kelsey, nakangisi… isang ngisi ng tagumpay para ipamukha at ipangalandakan ang kanyang pagkapanalo. ********Nang magmulat ako ng mga mata ay ramdam ko kaagad ang bigat ng aking mga talukap ganoon din ng aking pakiramdam.At ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame at ang amoy disinfectant kaya agad ko ring napagtanto na nasa isang ospital ako.Ang katawa

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 20

    “Tonight, we’re not just celebrating a union, we are witnessing the merging of two powerful families. Let us all welcome, Ms. Kelsey Emanuela Villa Madrid and Mr. Travis Escaño!”Nagpalakpakan ang lahat matapos ang anunsyong ito ng host. Nakakabinging palakpakan at ang mga mata ko ay nakatutok sa dalawang tao sa entablado.Ewan ko ba pero parang may kahawig ang Travis Escano na ito. Hindi man literal na magkamukha pero parang may naaalala ako sa galaw at tindig niya. Napailing na lamang ako at hindi na nag-isip pa ng kung anu-ano.Nagsalita na rin si Kelsey pero hindi na ako nakinig. Tila ba parang gusto ko ng matapos ito agad at nang makauwi na ako. Sunod namang nagsalita ang lalaki at dito na ako muling napatingin sa kanila.“I can say that I’m the luckiest man on earth dahil napakaganda ng fiance ko. Well mannered and kind hearted–” Puri nito kay Kelsey kaya hindi ko na pinakinggan pa ang sunod na mga sinabi nito. Nairolyo ko nalang ang mga mata ko, parang gusto kong masuka sa papu

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 19

    At nang dumating na nga ang pinakahinihintay na gabi ng lahat maliban sa akin, ay suot ko lang ay isang simpleng champagne dress na binili ko sa mall last minute. It’s simple yet it looks elegant din naman. Hindi na rin ako nagpa-make up professionally kagaya ni Kelsey na kung makaayos ay para bang ikakasal na agad agad. And I know that she really made sure na angat na angat ang ganda niya para masiguro na magiging proud sa kanya ang lalaking mapapangasawa. Well, araw niya naman ito kaya hahayaan ko na. I will let her shine ofcourse dahil masaya pa rin ako na siya ang nakasalo sa isang arranged marriage na hindi ko kailanman pinangarap. Pero kahit ganito lang kasimple ang suot ko, I held my head high. Ako pa rin ang legal na anak kaya wala akong dapat ikahiya ninuman. Pagdating ko sa malaking event hall na pinuno nila ng mamahaling bulaklak at mga chandelier ay ramdam ko agad ang mga mata ng iilang bisitang dumalo na nakatingin sa akin. Ang mga mata ng iba ay mababanaag ang paghanga,

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 18

    ONESUMMER Kabanata 18 “A— ano!? Bu–buntis ka!??” Halos hindi kumukurap si Diana nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin na ito agad sa kanya. If there’s only one person whom I trust the most, si Diana iyon. Kasalukuyan kaming nandito sa apartment ko. I called her na pumunta dito para dito nalang kami magkita dahil nga kukunin ko na ang mga mahalagang gamit ko. At ito lang talaga ang sadya ko dahil kinailangan ko rin bumalik agad sa mansyon dahil nga sa kalagayan ni papa. Mabilis ko namang tinakpan ang bibig nito. “Jusmeyo! Ang lakas ng boses mo! Baka marinig ng mga gwardiya sa labas!’’ Anas ko dahil nga may mga kasama akong security at driver. At si papa ang nagpumilit kaya kahit ayaw ko sana ay hinayaan ko nalang silang sumama. At nang medyo bahagya na itong kumalma ay saka ko pa lamang kinuha ang kamay kong nakatakip sa bungabunga niya. “Sorry naman… pero— hindi nga… buntis ka talaga!?” Ulit pa niya na mukhang hindi pa rin makapaniwala kaya inirapan ko ito

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status