Hindi ko alam kung ilang beses akong huminga nang malalim bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. Sa totoo lang, kahit ilang araw ko ng alam na darating ang gabing ito, ngayon ko lamang lubusang naramdaman ang magkahalong kaba at excitement pero higit na mas namutawi talaga ang kaba. Tonight was our engagement party. Ang engagement party na ilang araw na pinaghandaan ni Troy without my help, dahil gusto niya na siya na mag-asikaso ng lahat. At hindi basta-bastang selebrasyon ang ginawa niya. Masasabi kong, isa ito sa napaka engrandeng selebrasyon sa buong buhay ko. Pagkababa ko pa lamang ng sasakyan, tanaw ko na ang napakalaking venue na tila isang palasyo. Ang buong facade ay nababalutan ng eleganteng mga ilaw, habang sa magkabilang gilid ng entrance ay may matataas na arrangement ng puti at champagne-colored flowers. May red carpet na humahantong hanggang sa malalaking glass doors. Napakamahal ng lugar. Napakasikat. At napakaraming kilalang tao ang inaasahang dadalo. Napatingin
Read more