( Iya’s POV )Tatlong araw. Tatlong araw na pakiramdam ko ay nakahiga ako sa pagitan ng pagod, takot at walang katapusang pag-aalala para kay Lyle. Dahil hindi ko inakalang ang simpleng lagnat ay hahantong sa ganitong klase ng sitwasyon, ospital, dextrose at gabi-gabing pagdadasal na sana ay bumuti agad ang anak ko.Pero ang mas hindi ko inasahan? Ay ang presensiya ni Troy Escano. Naging maingat pa rin kami ni Nanay Helen para hindi siya makalapit kay Lyle at matitigan ang mukha nito na sobra pa namang kamukha niya.Sa unang araw pa lang ay malinaw na sa akin na hindi siya dapat nandito. Paulit-ulit ko siyang sinasabihan na umuwi na lalo pa at ito ang sinabi niya nung una, na after niya kaming maihatid sa ospital ay babalik na siya ng Manila.Pero, hindi ko inakala na talagang sasamahan niya kami sa mga araw na nakaconfine kami. Sinabihan ko na siya na hindi niya kami obligasyon, na may trabaho siya sa Manila at kaya ko naman.Pero parang bingi siya sa lahat ng sinabi ko.“Don’t worry
Last Updated : 2026-05-01 Read more