Kinabukasan, para akong lumaban sa boxing match na hindi ko alam na sinalihan ko. Ang sakit ng katawan ko, lalo na sa paa. Kung pwede lang silang ihiwalay sa katawan ko at ipahinga ng isang linggo, matagal ko na sanang ginawa. Pero hindi, kailangan kong bumangon. “Anak, sigurado ka ba na okay ka lang? Sige na, matulog ka na lang ulit. Ako na bahala dito,” sabi ni Mama habang nakahiga pa rin siya sa kama, hawak-hawak ang maliit na panyo niya. Kita sa mukha niya ang pagod at sakit, pero heto siya, iniisip pa rin ako. Ngumiti ako kahit gusto kong umiyak. “Ayos lang ako, Ma. Saka kailangan ko ng sweldo, ‘di ba? Kung titigil ako, saan tayo kukuha ng pambayad sa kuryente?” Tumango siya, halatang pinipilit din maging matatag. Ang totoo, iyon ang dahilan kung bakit araw-araw akong lumalaban—si Mama. Pagdating ko sa bar, saktong naroon na ulit si Kuya Mario, hawak ang pamaypay niya na parang extension na ng braso niya. “Serena! Buti dumating ka. May VIP table tayo mamaya, kailangan ko ng
Huling Na-update : 2025-09-02 Magbasa pa