Pagkauwi ko galing sa resto-bar, dumiretso agad ako sa kwarto ni Mama. Nakahiga siya sa lumang kama namin, payat na payat na parang isang ihip lang ng hangin ay matutumba na. Nakalagay pa rin ang maliit na bentilador sa tabi niya, umiikot-ikot, pero parang walang silbi kasi ramdam ko pa rin ang bigat ng hangin sa loob ng bahay.
“Mama, gising ka pa?” dahan-dahan kong tanong habang inilalapag ang baon kong tinapay sa lamesa. Napangiti siya kahit halatang hirap. “Oo naman, anak. Kumain ka na ba? Baka naman puro trabaho na lang iniintindi mo.” Napangiwi ako. Kung alam mo lang, Ma, na dalawa na ang trabaho ko. Yung isa, fake girlfriend ng lalaking parang refrigerator ang puso. Umupo ako sa gilid ng kama niya, pinisil ko ang malamig niyang kamay. “Mama, huwag ka munang mag-alala sa’kin. Dapat ikaw ang iniintindi. May gamot ka pa ba?” “Kaunti na lang. Pero huwag ka nang bumili, anak. Mahal. Tsaka kaya ko pa,” sagot niya habang pilit na ngumiti. ’Yun ang mahirap kay Mama. Kahit alam kong hirap na hirap siya, lagi pa rin niyang iniisip kung paano makakatipid. Ako naman, nagmumukha na akong superhero na ang power ay mag-multitask, waitress sa gabi, fake girlfriend sa umaga. Ano to, double life? Serena by day, Serena by night. Pakiramdam ko tuloy parang ako si Batman, kaso walang batmobile, tanging tricycle lang. Huminga ako ng malalim. “Ma, wag kang mag-alala. May extra akong kita.” “Extra kita? Hindi ka naman siguro nagbebenta ng kidney, anak?” biro niya na may halong ubo. Napatawa ako kahit medyo kumurot sa puso. “Hindi po. May nag-hire lang sakin… para sa, ano…” Nabitin ang dila ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin agad na fake girlfriend ako. Baka akalain ni Mama, ibinenta ko na rin sarili ko sa kalye. “Para saan?” tumingin siya ng seryoso. “Kumbaga, prangkisa ng acting. Parang artista.” Ngumiti ako. “Pero wag kang mag-alala, safe naman. Walang kahinahinala.” Napatango siya, halatang nagdududa. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa, kasi baka masabi ko pa sa kanya ang totoo. --- Kinabukasan, maaga akong nakipagkita kay Damian. Katulad ng dati, naka-porma siya na parang laging handa sa photoshoot ng isang luxury brand. Ako naman, simpleng jeans, blouse, at flats na medyo pinaglumaan na ng panahon pero keri lang. “Late ka,” malamig niyang sabi pagkarating ko. Oh wow. Hindi man lang ‘good morning.’ Hindi man lang ‘hello.’ Diretso agad sa ‘late ka.’ “Aba, pasensya na po, Bossing. May traffic kasi sa daan,” sagot ko habang pinipigilan ang sarcasm. Actually, wala namang traffic. May traffic lang sa wallet ko at sa utak ko kung paano ko paghahati-hatian ang bayarin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Kung gagawin mo ‘to, gawin mo ng tama. Hindi puwede yung parang wala kang pakialam.” “Excuse me, Mr. Refrigerator, I mean… Damian,” sinadya kong bigkasin ang pangalan niya kasi kahapon lang officially ko nalaman. “Ako pa? Pak na pak ako pagdating sa acting. Kaya kong magpanggap na baliw, kaya kong magpanggap na in love. Minsan nga, nagtataka ako kung bakit hindi pa ako napapasama sa teleserye.” Napakunot ang noo niya, halatang nainis. “Don't be too noisy. Huwag kang magpatawa sa harap nila. Lalo kang hindi kapanipaniwala.” Oh wow, so bawal pala magpatawa? Ang gusto niya, lagi akong naka serious mode parang robot? Eh di sana nag-hire na lang siya ng mannequin sa department store, mas mura pa. “Ano ba’ng gusto mo, Damian? Yung tipong tititigan kita nang may halong lungkot at kasabikan? Yung parang eksena sa pelikula?” Tumitig ako sa kanya ng malagkit, sabay buntong-hininga. “Honey… bakit mo ‘ko iniwan?” Napahinto siya, halatang nagpipigil ng inis. “Stop it.” Ngumisi ako. Success! --- Lumipas ang araw, sinamahan ko siya sa isa pang social gathering. Naka-formal attire siya, ako naman… well, formal din, pero halatang ukay edition. Biglaan kase kaya hindi na ako nagpabili sa kanya ng dress. Doon ko naisip, seriously, Serena, hanggang saan kaya aabot ang acting skills mo? Habang naglalakad kami papasok sa venue, maririnig ko ang bulungan ng ibang tao. “Yan ba ang girlfriend ni Damian Cruz?” “Parang hindi bagay. Sobrang simple naman.” Ouch. Hello? Nandito lang ako oh. Kung gusto nila, magbigay sila ng budget para sa stylist. Ako, wala akong pakialam, basta may sweldo ako mamaya. Bahala kayo. Naglakad si Damian na parang wala lang, deadma sa mga tsismis. Ako naman, parang sinusunog ako ng tingin ng lahat. Pagkaupo namin, yumuko ako at bumulong kay Damian. “Uy, narinig mo sila? Hindi raw tayo bagay. Nakakainsulto, ‘no? Parang gusto kong sabuyan ng tubig yung mga mukha nila.” Hindi siya tumingin. “Ignore them.” Ayun na naman yung malamig niyang boses. Grabe, Damian, kung magiging yelo ka pa, baka magamit ka nang panghalo sa halo-halo ngayong summer. Ngumisi ako kahit naiinis. “Sige, ignore. Pero sana may libre kang ice cream mamaya, kasi nasaktan ang puso ko.” “Hindi tayo magde-date,” diretso niyang sagot. At doon ko napagtanto kahit mayaman siya, kuripot pa rin sa effort. Damian, Damian. Kung hindi lang dahil kailangan ko ng pera para kay Mama, matagal na kitang iniwan sa landas ng pagiging single forever. --- Pag-uwi ko ng gabi, nadatnan ko si Mama na inuubo na naman nang malakas. Napaupo ako sa tabi niya, nagpanic. “Mama, dapat dalhin ka na natin sa doktor!” “Anak, wag muna. Gastos lang ‘yan.” “Pero—” Hawak niya ang kamay ko, mahina pero mariin. “Ayos lang ako anak kaya ko pa, ipunin mo muna ang pera kaysa igastos nanaman sa akin" Napaluha ako. Kung alam mo lang, Ma, kung gaano ako nagpupumilit araw-araw. Pero para sa’yo, kakayanin ko lahat kasama pa ang pagiging fake girlfriend ng lalaking walang kaluluwa.Napasinghap ako at agad na napalingon. Akala ko si Leo, kasi kanina pa siya hindi tumitigil sa kakatawa at kakakulit habang sumasayaw kami. Pero hindi. Hindi siya.Si Damian.Napapikit ako at parang biglang nawala ang tama ng alak sa buong sistema ko.Si Damian na nakatayo sa likuran ko, suot ang dark coat niya na parang hindi bagay sa club, at ang malamig niyang mga mata ay nakatutok sa akin na para bang nahuli niya akong may ginagawang masama.“Serena,” malamig niyang sabi, halos hindi naririnig sa ingay ng tugtog pero ramdam ko ang bigat ng tono. “What the hell do you think you’re doing here?”Napakurap ako at agad na tinabig ang kamay niya sa baywang ko. “Hoy, Sinusundan mo ba ako? At tyaka bakit nagtatanong ka pa eh kita namang sumasayaw ako"Hindi siya ngumiti. Syempre. Damian never smiles. Nakakunot pa lalo ang noo niya at bahagyang yumuko para marinig ko siya. “I’ve been calling you the whole night. Why didn’t you answer your phone?”Ayun na nga ba. Nagpumiglas ako ng konti pe
Maaga pa lang, abala na ako sa Resto Bar. tray ng beer sa kaliwang kamay, order ng mga pulutan sa kanan, at mukha kong halos pareho sa taong kakalabas lang sa 12 hour shift na trabaho. Pero kailangan ito para sa nanay ko, hindi namang pwedeng umasa lang ako sa perang makukuha ko sa pagiging fake gilfriend ni Damian dahil alam kong hindi naman habang buhay magiging kami.“Serena, help me with these trays,” sabi ni Kuya Mario, hawak ang tray na halos matumba na sa bawat galaw niya.Wow english spokening dollars na si kuya Mario ha nahawa na siguro to kay Damian sungit.“Sige, Kuya. Ilalapag ko lang itong mga order,” sabi ko, sabay bigay ng mga orders ng customer sa kanilang kanya kanyang mga lamesa. Bigla namang tumawa si Leo na isa ring waiter dito “Relax ka lang, Serena. Kaya mo yan pawis na pawis ka na oh,” sabi niya, halatang nagbibiro.Inirapan ko siya nang pabiro, sus alam ko naman na may gusto to sa akin kaya nagpapapansin lang.___Pagkatapos ng duty namin ay nagkayayaan ang
“Serena, be ready. I’ll pick you up in fifteen minutes.” Damian’s message flashed on my phone habang nagbubuhat ako ng tray sa resto-bar. Napailing ako. In fifteen minutes? Andito pa ako sa trabaho?!Pero alam kong hindi siya basta-basta nagme-mensahe. Kapag sinabi niyang “ I'll pick you up,” ibig sabihin, ayaw niyang maghintay ng kahit ilang segundo.Pagkatapos ng shift ko, na-excite man ako pero nakaramdam din ng kaba. Hindi ko alam kung anong balak niya ngayon. Last night’s business party was awkward sa umpisa pero natapos sa… well, sa dami ng mixed feelings ko.Maya-maya, naramdaman ko na yung familiar na tunog ng sports car niya sa labas. Siyempre, nakasuot siya ng shades, parang straight out of a magazine cover. Ibinaba niya ang driver side window, at siya mismo ang bumaba.“Get into the car.” Cold na boses niya.“Ano nanaman bang kailangan mo?…”reklamo ko sabay hagod ko sa buhok ko.He rolled his eyes. “Don't ask questions, Come on.”Hindi ko na sya inusisa baka topakin nanaman
“Damien, sure ka ba dito?” halos pabulong kong tanong habang nakasunod ako sa kanya palabas ng kotse.“Serena, just… trust me. You’ll need this for tonight,” tipid niyang sagot, kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng isang malaking salon.Napasinghap ako. Hindi lang basta salon—ito yung tipong nakikita ko lang sa mga artista sa TV. Glass walls, chandelier, naka-uniform lahat ng staff, at may pa-welcome drinks pa habang naghihintay. Para akong biglang napadpad sa ibang mundo.“Good morning, Mr. Cruz,” bati agad ng manager. Halatang kilala na siya dito. Lumingon sa akim amg staff at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, bago ngumiti nang tipid. “And this must be…?”“My associate,” sagot agad ni Damien, na para bang sinelyuhan ang identity ko. Walang karagdagang paliwanag.Napalunok ako. Associate? Wow.“Please make her ready. Hair, makeup, dress. She’s with me for tonight’s event.”Hindi ako nakapagsalita. Hinihila na ako ng dalawang staff papunta sa isang Vanity chair.“Relax lang, miss.
“Hoy, Serena! Bilisan mo naman d’yan, hindi ito hotel!” sigaw ng manager namin sa resto bar habang halos mahulog na ‘yung tray na dala ko.Hmp ako talaga paboritong utusan nito ni Kuya Mario “Kuya, relax. Baka ma-highblood ka. Gusto mo ng tubig?” biro ko sabay ngisi, kahit pawis na pawis na ako. Napangiwi lang siya, so ibig sabihin effective ang joke ko. Pagdating ko sa table, napansin ko agad ang isang familiar na figure. Hindi ko pwedeng kalimutan hindi dahil special siya, kundi dahil kasing labo niya ng panaginip kong maging mayaman. Si Damian Cruz. My boyfriend ay este fake boyfriend pala Suot pa rin niya ‘yung mamahaling suit, parang galing siya sa photoshoot ng isang luxury brand. Nakaupo siya na parang hari na nagmamay-ari ng lahat, samantalang ako eto, naglalakad parang contestant sa “It’s Showtime” na malapit na madapa. “Your service is quite slow,” sabi niya agad, sabay taas ng isang kilay. “I don’t really like waiting, Serena.” Napatigil ako sandali. Aba, aba, aba! An
Pagkauwi ko galing sa resto-bar, dumiretso agad ako sa kwarto ni Mama. Nakahiga siya sa lumang kama namin, payat na payat na parang isang ihip lang ng hangin ay matutumba na. Nakalagay pa rin ang maliit na bentilador sa tabi niya, umiikot-ikot, pero parang walang silbi kasi ramdam ko pa rin ang bigat ng hangin sa loob ng bahay.“Mama, gising ka pa?” dahan-dahan kong tanong habang inilalapag ang baon kong tinapay sa lamesa.Napangiti siya kahit halatang hirap. “Oo naman, anak. Kumain ka na ba? Baka naman puro trabaho na lang iniintindi mo.”Napangiwi ako. Kung alam mo lang, Ma, na dalawa na ang trabaho ko. Yung isa, fake girlfriend ng lalaking parang refrigerator ang puso.Umupo ako sa gilid ng kama niya, pinisil ko ang malamig niyang kamay. “Mama, huwag ka munang mag-alala sa’kin. Dapat ikaw ang iniintindi. May gamot ka pa ba?”“Kaunti na lang. Pero huwag ka nang bumili, anak. Mahal. Tsaka kaya ko pa,” sagot niya habang pilit na ngumiti.’Yun ang mahirap kay Mama. Kahit alam kong hira