Share

Chapter 4

Penulis: Beatricex
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-02 01:10:00

Hindi ko alam kung swerte ba ako o malas. Kasi imagine mo, pauwi ka lang dapat ng bahay, tapos next thing you know, may lalaking parang galing Forbes magazine na nagyayaya na magpanggap kang girlfriend niya. Hindi naman ako kontra sa roleplay, pero sana man lang may script, ‘di ba?

Tahimik lang ako habang nasa loob ng mamahaling kotse niya. Siya, steady lang sa pagmamaneho, parang wala lang. Ako naman, parang naipit sa pagitan ng Banana split live performance at funeral service. Hindi ko alam kung matatawa ako o dapat nang magdasal.

“Sir,” basag ko sa katahimikan, “sure po ba kayo na ako ang napili niyo? Baka may mas qualified pa diyan. Like, artista? Beauty queen? Or at least ‘yung marunong magsuot ng heels nang hindi nadadapa?”

Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya. “I don’t want an actress. I don’t want someone who pretends for a living. I want someone real.”

Oh wow. Gusto niya ng “real”? Eh ano ‘ko, Wi-Fi? May “real connection”?

Pero syempre, hindi ko sinabi ‘yon. Inilabas ko lang ang best polite smile ko kahit sa kaloob looban ko ay kinakabahan ako

Tumahimik siya ulit. Diyos ko, parang torture. Ang lamig-lamig ng ugali niya. Siguro kung maging tao ang ref namin sa bahay, siya na ‘yon. At hindi lang basta ref—yung no frost inverter refrigerator.

Hindi ko na kinaya, kaya ako na ang nag-open ng conversation. “Sir, if you don’t mind me asking, ano po ba talaga ang pangalan niyo? Hindi ko po kasi alam kung anong itatawag sa inyo. Sparkling Water Guy kasi nasa utak ko.”

Bahagya siyang napatigil, pero hindi umiwas sa kalsada. “Damian. Damian Cruz.”

BOOM. Ang pangalan ng lalaking malamig pa sa Baguio breeze. Damian. Infairnes may impact, parang kontrabida sa teleserye. Damian Cruz. Kung tutuusin, bagay sa kanya—seryosong mukha, malakas ang aura, parang lahat ng tao sumusunod sa utos niya.

“Damian…” mahinang bulong ko. “Parang ang hirap i-nickname. Dam? Dami? Dams?” Napangiwi ako. Ano ‘to, EDSA?

Napalingon siya sandali, halatang hindi natuwa. “Just Damian.”

“Yes, Sir Damian.” Napangisi ako.

“I said, Damian. Not ‘Sir Damian.’”

“Okay po, Master Damian,” biro ko.

Hindi siya natawa. Hindi man lang gumalaw ang labi niya. Ako naman, muntik ko nang kainin sarili kong dila. Grabe, wala man lang sense of humor si Kuya. Kahit knock-knock joke ata, hindi papasa sa kanya.

---

Pagdating namin sa isang mamahaling restaurant (oo, as in yung tipong gold-plated ang kubyertos kung titingnan mo), halos gusto kong umurong. Seryoso ba ‘to? Ako, waitress na sanay sa mga mesa na nilalagyan ng asin at paminta sa garapon ng recycled na coffee jar, biglang nasa lugar na ganito?

Pagpasok namin, lahat ng mata, napunta sa kanya. Hindi sa akin—sa kanya. Para bang siya ang main event, at ako, extra lang maid kumbaga.

“Table for two,” malamig niyang sabi sa staff, at agad naman kaming inasikaso na parang siya si presidente ng bansa.

Habang naglalakad kami papunta sa table, bigla kong napansin yung mga babae sa paligid. Lahat, nakatingin sa kanya. ‘Yung iba, nakanganga pa.

Girls, relax. Hindi siya ice cream. Hindi niyo siya pwedeng kainin.

Naupo kami, at agad lumapit ang waiter para kunin ang order. “For you, Sir?”

“Steak. Medium rare,” sagot niya agad.

“And for the lady?” tanong ng waiter.

Napatitig ako sa menu. Diyos ko, puro English. Ano ba ‘tong foie gras? Baka pangalan ng dinosaur ‘to ah.

“Uh… do you have fried chicken?” tanong ko, hopeful.

Natigilan ang waiter, parang gusto akong pitikin. Si Damian, tinitigan ako nang malamig.

“She’ll have the same as mine,” utos niya.

Nagulat ako. “Hoy, teka lang. Gusto ko ng chicken, hindi steak!”

“Eat what I eat,” malamig niyang sagot.

Napasimangot ako. Anong klaseng diktador ‘to? Pati pagkain ko kontrolado?

“Fine,” sagot ko, rolling my eyes. “Pero kung hindi masarap, Sir Damian, magbaon ka ng Jollibee next time.”

Habang naghihintay kami ng pagkain, bigla siyang nagtanong. “Why did you agree to ride with me?”

Napakunot ako ng noo. “Ha? Eh kasi ang laki ng kotse mo. Feeling ko kung tumanggi ako, masasagasaan ako.”

Nagtagal ang titig niya, parang sinusuri niya kung nagbibiro ba ako o seryoso.

“Be honest,” sabi niya ulit.

Napabuntong-hininga ako. “Fine. Kasi wala akong choice. Wala akong pera. At sinabi mong tutulong ka kay Mama.”

Tumango siya, parang satisfied sa sagot ko.

“Good. At least you know your place.”

Napatigil ako. Ouch. Aray naman. Ang lamig-lamig talaga niya. Kung ice cream siya, malamang “Rocky Road” ang flavor niya pero walang sweetness, puro bato.

Dumating ang steak. Grabe, ang fancy. May dahon-dahon pa na hindi ko alam kung kinakain ba o decoration lang. Sinubukan kong maghiwa, pero nainis lang ako. Ang tigas!

Si Damian, cool lang. Parang sanay na sanay na siyang kumain ng mga ganitong pagkain, sabagay mayaman naman sya kaya for sure araw araw ganito ang mga kinakain niya. Ako naman, parang nag-e-exam sa math pawis na pawis, hindi pa rin makuhang hiwain ang lintek na steak na 'to

“Need help?” tanong niya bigla.

Ayun, dun ako natauhan. “No, thanks. Kaya ko ‘to.” Pakipot muna

Pero sa totoo lang, gusto ko nang sumuko. Baka mas madali pang kagatin ko na lang diretso, parang tapsilog.

Napansin ko siyang nakatingin sa paghihirap ko, pero hindi na siya ulit nag alok tumulong. In fact, parang na-e-entertain siya. Halos hindi halata, pero may konting kurba sa labi niya.

Uy, wait. Ngumiti ba siya ulit?

---

Pagkatapos ng dinner, sinamahan niya akong makauwi. Tahimik lang kami sa kotse, pero ako, ang daming iniisip.

So Damian pala pangalan niya. Damian Cruz. Mukhang rich na rich talaga pangalan pa lang, parang may sariling kumpanya. Pero bakit ako? Bakit ako ang napili niyang maging fake girlfriend? At higit sa lahat—bakit feeling ko, kahit anong pilit kong iwas, mapapasubo talaga ako sa mundong ginagalawan niya?

At isang bagay lang ang malinaw, kahit gaano siya kalamig, hindi ko kayang isnabin ang presensya niya.

At mukhang hindi niya rin ako basta-basta pakakawalan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 10

    Napasinghap ako at agad na napalingon. Akala ko si Leo, kasi kanina pa siya hindi tumitigil sa kakatawa at kakakulit habang sumasayaw kami. Pero hindi. Hindi siya.Si Damian.Napapikit ako at parang biglang nawala ang tama ng alak sa buong sistema ko.Si Damian na nakatayo sa likuran ko, suot ang dark coat niya na parang hindi bagay sa club, at ang malamig niyang mga mata ay nakatutok sa akin na para bang nahuli niya akong may ginagawang masama.“Serena,” malamig niyang sabi, halos hindi naririnig sa ingay ng tugtog pero ramdam ko ang bigat ng tono. “What the hell do you think you’re doing here?”Napakurap ako at agad na tinabig ang kamay niya sa baywang ko. “Hoy, Sinusundan mo ba ako? At tyaka bakit nagtatanong ka pa eh kita namang sumasayaw ako"Hindi siya ngumiti. Syempre. Damian never smiles. Nakakunot pa lalo ang noo niya at bahagyang yumuko para marinig ko siya. “I’ve been calling you the whole night. Why didn’t you answer your phone?”Ayun na nga ba. Nagpumiglas ako ng konti pe

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 9

    Maaga pa lang, abala na ako sa Resto Bar. tray ng beer sa kaliwang kamay, order ng mga pulutan sa kanan, at mukha kong halos pareho sa taong kakalabas lang sa 12 hour shift na trabaho. Pero kailangan ito para sa nanay ko, hindi namang pwedeng umasa lang ako sa perang makukuha ko sa pagiging fake gilfriend ni Damian dahil alam kong hindi naman habang buhay magiging kami.“Serena, help me with these trays,” sabi ni Kuya Mario, hawak ang tray na halos matumba na sa bawat galaw niya.Wow english spokening dollars na si kuya Mario ha nahawa na siguro to kay Damian sungit.“Sige, Kuya. Ilalapag ko lang itong mga order,” sabi ko, sabay bigay ng mga orders ng customer sa kanilang kanya kanyang mga lamesa. Bigla namang tumawa si Leo na isa ring waiter dito “Relax ka lang, Serena. Kaya mo yan pawis na pawis ka na oh,” sabi niya, halatang nagbibiro.Inirapan ko siya nang pabiro, sus alam ko naman na may gusto to sa akin kaya nagpapapansin lang.___Pagkatapos ng duty namin ay nagkayayaan ang

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 8

    “Serena, be ready. I’ll pick you up in fifteen minutes.” Damian’s message flashed on my phone habang nagbubuhat ako ng tray sa resto-bar. Napailing ako. In fifteen minutes? Andito pa ako sa trabaho?!Pero alam kong hindi siya basta-basta nagme-mensahe. Kapag sinabi niyang “ I'll pick you up,” ibig sabihin, ayaw niyang maghintay ng kahit ilang segundo.Pagkatapos ng shift ko, na-excite man ako pero nakaramdam din ng kaba. Hindi ko alam kung anong balak niya ngayon. Last night’s business party was awkward sa umpisa pero natapos sa… well, sa dami ng mixed feelings ko.Maya-maya, naramdaman ko na yung familiar na tunog ng sports car niya sa labas. Siyempre, nakasuot siya ng shades, parang straight out of a magazine cover. Ibinaba niya ang driver side window, at siya mismo ang bumaba.“Get into the car.” Cold na boses niya.“Ano nanaman bang kailangan mo?…”reklamo ko sabay hagod ko sa buhok ko.He rolled his eyes. “Don't ask questions, Come on.”Hindi ko na sya inusisa baka topakin nanaman

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 7

    “Damien, sure ka ba dito?” halos pabulong kong tanong habang nakasunod ako sa kanya palabas ng kotse.“Serena, just… trust me. You’ll need this for tonight,” tipid niyang sagot, kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng isang malaking salon.Napasinghap ako. Hindi lang basta salon—ito yung tipong nakikita ko lang sa mga artista sa TV. Glass walls, chandelier, naka-uniform lahat ng staff, at may pa-welcome drinks pa habang naghihintay. Para akong biglang napadpad sa ibang mundo.“Good morning, Mr. Cruz,” bati agad ng manager. Halatang kilala na siya dito. Lumingon sa akim amg staff at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, bago ngumiti nang tipid. “And this must be…?”“My associate,” sagot agad ni Damien, na para bang sinelyuhan ang identity ko. Walang karagdagang paliwanag.Napalunok ako. Associate? Wow.“Please make her ready. Hair, makeup, dress. She’s with me for tonight’s event.”Hindi ako nakapagsalita. Hinihila na ako ng dalawang staff papunta sa isang Vanity chair.“Relax lang, miss.

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 6

    “Hoy, Serena! Bilisan mo naman d’yan, hindi ito hotel!” sigaw ng manager namin sa resto bar habang halos mahulog na ‘yung tray na dala ko.Hmp ako talaga paboritong utusan nito ni Kuya Mario “Kuya, relax. Baka ma-highblood ka. Gusto mo ng tubig?” biro ko sabay ngisi, kahit pawis na pawis na ako. Napangiwi lang siya, so ibig sabihin effective ang joke ko. Pagdating ko sa table, napansin ko agad ang isang familiar na figure. Hindi ko pwedeng kalimutan hindi dahil special siya, kundi dahil kasing labo niya ng panaginip kong maging mayaman. Si Damian Cruz. My boyfriend ay este fake boyfriend pala Suot pa rin niya ‘yung mamahaling suit, parang galing siya sa photoshoot ng isang luxury brand. Nakaupo siya na parang hari na nagmamay-ari ng lahat, samantalang ako eto, naglalakad parang contestant sa “It’s Showtime” na malapit na madapa. “Your service is quite slow,” sabi niya agad, sabay taas ng isang kilay. “I don’t really like waiting, Serena.” Napatigil ako sandali. Aba, aba, aba! An

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 5

    Pagkauwi ko galing sa resto-bar, dumiretso agad ako sa kwarto ni Mama. Nakahiga siya sa lumang kama namin, payat na payat na parang isang ihip lang ng hangin ay matutumba na. Nakalagay pa rin ang maliit na bentilador sa tabi niya, umiikot-ikot, pero parang walang silbi kasi ramdam ko pa rin ang bigat ng hangin sa loob ng bahay.“Mama, gising ka pa?” dahan-dahan kong tanong habang inilalapag ang baon kong tinapay sa lamesa.Napangiti siya kahit halatang hirap. “Oo naman, anak. Kumain ka na ba? Baka naman puro trabaho na lang iniintindi mo.”Napangiwi ako. Kung alam mo lang, Ma, na dalawa na ang trabaho ko. Yung isa, fake girlfriend ng lalaking parang refrigerator ang puso.Umupo ako sa gilid ng kama niya, pinisil ko ang malamig niyang kamay. “Mama, huwag ka munang mag-alala sa’kin. Dapat ikaw ang iniintindi. May gamot ka pa ba?”“Kaunti na lang. Pero huwag ka nang bumili, anak. Mahal. Tsaka kaya ko pa,” sagot niya habang pilit na ngumiti.’Yun ang mahirap kay Mama. Kahit alam kong hira

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status