แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: Beatricex
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-02 00:57:21

Minsan iniisip ko kung may sumpa ba ako. Kasi simula nang dumating si Mr. Sparkling Water—na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan parang lagi na lang kaming nagtatagpo.

After ng second night na nakita ko siya sa bar, eto na naman siya. Pangatlong gabi in a row. At syempre, ako na naman ang napili ni Kuya Mario na mag-serve sa table niya. Feeling ko talaga ginagamit niya akong pang-display para mas mukhang welcoming ang bar.

“Serena, ayusin mo serbisyo mo ha. Mukhang bigatin talaga ‘yang si Sir,” paalala ni Kuya Mario.

Bigatin? Hindi lang bigatin. Halos lumilipad na nga eh. Sa mamahaling damit pa lang, parang mas mahal pa kesa sweldo ko buong taon.

Lumapit ako sa table, dala ang tray ng drinks na in-order ng mga kasama niya. As usual, si Mr. Sparkling Water ay nakaupo sa gitna, parang hari sa sariling trono.

“Good evening, Sir,” bati ko nang may ngiti, kahit na halos madapa ako sa kaba.

Tumingin siya diretso sa’kin, at gaya ng dati, parang sinusuri niya lahat ng galaw ko. “You again.”

Napangiwi ako ng konti. “Uh, yes, Sir. Waitress po kasi ako dito. Kaya malamang… ako ulit.”

May narinig akong munting tawa mula sa isang kasama niya, pero agad ding natahimik nang bigyan sila ng malamig na tingin ni Mr. Sparkling. Grabe. Yung simpleng sulyap niya, parang death note na.

“Sit.”

Napatingin ako sa kaniya, halos mabitawan ko ang tray. “Ano po?”

“Sit down,” ulit niya, this time mas mababa at mas commanding ang tono.

Napalunok ako. “Sir, hindi po ako customer. Trabaho ko—”

“I said sit,” putol niya agad, hindi na ako binigyan ng pagkakataong tumanggi.

Ano ba ‘to? Napasubo ako bigla sa impromptu job interview?

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya, ramdam ko ang mga mata ng mga kasamahan kong waiters at staff na halos mabasag ang mata sa kakasilip.

“Do you like working here?” tanong niya bigla, habang nakatingin sa harap, hindi sa akin.

Nag-blink ako. “Uh… depende po kung anong araw. Pag payday, oo. Pag wala na akong pera, hindi.”

Napalingon siya sa’kin, at nakita kong may bahagyang ngiti sa labi niya. Wait, ngumiti ba siya? Totoo ba ‘to?

“You’re honest.”

Nagkibit-balikat ako. “Wala naman pong sense magsinungaling, ‘di ba? Kita naman po sa mukha ko na pagod na pagod ako.”

Natahimik siya saglit. Then, out of nowhere, he asked: “What would you do if you had a chance to get out of this life?”

Natulala ako. “Ha? Eh… siguro bibilhin ko lahat ng fishball sa kanto tapos magtayo ako ng sariling karinderya. Tapos ipapagamot at papaaralin ko si Mama ulit, para kahit paano maranasan niya maging teacher gaya ng pangarap niya dati.”

Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa akin na parang fascinated. Parang hindi siya makapaniwala na may taong may ganung simpleng pangarap.

“Interesting,” bulong niya.

Bago pa ako makapagtanong kung anong ibig niyang sabihin, bigla siyang tumayo. “We’ll talk again.”

At gaya ng dati, umalis siya kasama ang mga good-looking friends niya. Iniwan niya akong nakatunganga, hawak pa rin ang tray na wala nang laman.

“Hoy, Serena!” sigaw ni Kuya Mario mula sa counter. “Ano ‘yon? Bakit nakaupo ka pa sa tabi niya?”

Napailing ako. “Hindi ko rin alam, Kuya. Feeling ko na-hypnotize ako.”

---

Kinabukasan, habang naglalakad ako pauwi galing trabaho, isang itim na kotse ang biglang huminto sa tabi ko.

Ay, Diyos ko. Kidnap ba ‘to? Hindi pa ako handa. Hindi ko pa nakikita ang ending ng paborito kong K-drama!

Bumukas ang bintana, at doon ko nakita ang pamilyar na mukha. Si Mr. Sparkling Water mismo.

“Get in,” sabi niya diretso, walang paligoy-ligoy.

Napakunot ang noo ko. “Ha? Sir, baka mali po kayo ng kinakausap. Hindi po ako nag Grab.”

“I’m not asking,” malamig niyang sagot.

Napatulala ako. Hindi nag-a-ask pero nag-uutos. Ang sosyal.

“Sir, baka naman kung saan niyo ako dalhin, ibenta niyo pa ako sa black market,” biro ko, kahit nanginginig na ang tuhod ko.

Napairap siya ng bahagya. “You watch too many movies. Get in, Serena.”

At hindi ko alam kung bakit… pero sumunod ako.

Pag-upo ko sa loob ng kotse, halos malunod ako sa amoy ng mamahaling leather. Ang linis, ang lamig, at ang komportable sa pakiramdam ng kotse niya.

Tahimik siya habang nagda-drive at ako naman, hindi mapakali.

“Sir, saan po ba tayo pupunta? Para alam ko kung kailangan ko bang magpaalam kay Mama na baka hindi na ako makauwi,” sabi ko, pilit na nagbibiro para mabawasan ang kaba.

He glanced at me, expressionless. “I need your help.”

Napakunot ang noo ko. “Help? Sir, waitress lang po ako. Kung gusto niyo ng tutulong maghugas ng plato, kaya ko. Pero kung about business-business, sorry po—mahina ako sa math.”

Nalukot naman ang gwapong mukha niya

“I don’t need you for business. I need you to pretend.”

“Pretend?”

“Yes. Be my girlfriend.”

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko. “Ano?! Sir, baka nagugutom lang kayo. May sakit po ba kayo?”

“I’m serious, Serena,” diretso niyang sabi, habang tinitigan ako saglit bago muling bumaling sa kalsada. “I’ll pay you enough to cover your mother’s medication. All I need is for you to act as my girlfriend in front of my family.”

At doon, parang biglang tumigil ang mundo ko.

Ako, na walang pake sa mga mayayaman, biglang inaalok maging girlfriend kuno ng isang lalaking mukhang may kaya bumili ng buong barangay namin.

At ang mas nakakaloka? Hindi ko alam kung tatanggi ba ako… o kung dapat ba akong matakot sa posibilidad na baka… mahulog ako.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 10

    Napasinghap ako at agad na napalingon. Akala ko si Leo, kasi kanina pa siya hindi tumitigil sa kakatawa at kakakulit habang sumasayaw kami. Pero hindi. Hindi siya.Si Damian.Napapikit ako at parang biglang nawala ang tama ng alak sa buong sistema ko.Si Damian na nakatayo sa likuran ko, suot ang dark coat niya na parang hindi bagay sa club, at ang malamig niyang mga mata ay nakatutok sa akin na para bang nahuli niya akong may ginagawang masama.“Serena,” malamig niyang sabi, halos hindi naririnig sa ingay ng tugtog pero ramdam ko ang bigat ng tono. “What the hell do you think you’re doing here?”Napakurap ako at agad na tinabig ang kamay niya sa baywang ko. “Hoy, Sinusundan mo ba ako? At tyaka bakit nagtatanong ka pa eh kita namang sumasayaw ako"Hindi siya ngumiti. Syempre. Damian never smiles. Nakakunot pa lalo ang noo niya at bahagyang yumuko para marinig ko siya. “I’ve been calling you the whole night. Why didn’t you answer your phone?”Ayun na nga ba. Nagpumiglas ako ng konti pe

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 9

    Maaga pa lang, abala na ako sa Resto Bar. tray ng beer sa kaliwang kamay, order ng mga pulutan sa kanan, at mukha kong halos pareho sa taong kakalabas lang sa 12 hour shift na trabaho. Pero kailangan ito para sa nanay ko, hindi namang pwedeng umasa lang ako sa perang makukuha ko sa pagiging fake gilfriend ni Damian dahil alam kong hindi naman habang buhay magiging kami.“Serena, help me with these trays,” sabi ni Kuya Mario, hawak ang tray na halos matumba na sa bawat galaw niya.Wow english spokening dollars na si kuya Mario ha nahawa na siguro to kay Damian sungit.“Sige, Kuya. Ilalapag ko lang itong mga order,” sabi ko, sabay bigay ng mga orders ng customer sa kanilang kanya kanyang mga lamesa. Bigla namang tumawa si Leo na isa ring waiter dito “Relax ka lang, Serena. Kaya mo yan pawis na pawis ka na oh,” sabi niya, halatang nagbibiro.Inirapan ko siya nang pabiro, sus alam ko naman na may gusto to sa akin kaya nagpapapansin lang.___Pagkatapos ng duty namin ay nagkayayaan ang

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 8

    “Serena, be ready. I’ll pick you up in fifteen minutes.” Damian’s message flashed on my phone habang nagbubuhat ako ng tray sa resto-bar. Napailing ako. In fifteen minutes? Andito pa ako sa trabaho?!Pero alam kong hindi siya basta-basta nagme-mensahe. Kapag sinabi niyang “ I'll pick you up,” ibig sabihin, ayaw niyang maghintay ng kahit ilang segundo.Pagkatapos ng shift ko, na-excite man ako pero nakaramdam din ng kaba. Hindi ko alam kung anong balak niya ngayon. Last night’s business party was awkward sa umpisa pero natapos sa… well, sa dami ng mixed feelings ko.Maya-maya, naramdaman ko na yung familiar na tunog ng sports car niya sa labas. Siyempre, nakasuot siya ng shades, parang straight out of a magazine cover. Ibinaba niya ang driver side window, at siya mismo ang bumaba.“Get into the car.” Cold na boses niya.“Ano nanaman bang kailangan mo?…”reklamo ko sabay hagod ko sa buhok ko.He rolled his eyes. “Don't ask questions, Come on.”Hindi ko na sya inusisa baka topakin nanaman

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 7

    “Damien, sure ka ba dito?” halos pabulong kong tanong habang nakasunod ako sa kanya palabas ng kotse.“Serena, just… trust me. You’ll need this for tonight,” tipid niyang sagot, kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng isang malaking salon.Napasinghap ako. Hindi lang basta salon—ito yung tipong nakikita ko lang sa mga artista sa TV. Glass walls, chandelier, naka-uniform lahat ng staff, at may pa-welcome drinks pa habang naghihintay. Para akong biglang napadpad sa ibang mundo.“Good morning, Mr. Cruz,” bati agad ng manager. Halatang kilala na siya dito. Lumingon sa akim amg staff at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, bago ngumiti nang tipid. “And this must be…?”“My associate,” sagot agad ni Damien, na para bang sinelyuhan ang identity ko. Walang karagdagang paliwanag.Napalunok ako. Associate? Wow.“Please make her ready. Hair, makeup, dress. She’s with me for tonight’s event.”Hindi ako nakapagsalita. Hinihila na ako ng dalawang staff papunta sa isang Vanity chair.“Relax lang, miss.

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 6

    “Hoy, Serena! Bilisan mo naman d’yan, hindi ito hotel!” sigaw ng manager namin sa resto bar habang halos mahulog na ‘yung tray na dala ko.Hmp ako talaga paboritong utusan nito ni Kuya Mario “Kuya, relax. Baka ma-highblood ka. Gusto mo ng tubig?” biro ko sabay ngisi, kahit pawis na pawis na ako. Napangiwi lang siya, so ibig sabihin effective ang joke ko. Pagdating ko sa table, napansin ko agad ang isang familiar na figure. Hindi ko pwedeng kalimutan hindi dahil special siya, kundi dahil kasing labo niya ng panaginip kong maging mayaman. Si Damian Cruz. My boyfriend ay este fake boyfriend pala Suot pa rin niya ‘yung mamahaling suit, parang galing siya sa photoshoot ng isang luxury brand. Nakaupo siya na parang hari na nagmamay-ari ng lahat, samantalang ako eto, naglalakad parang contestant sa “It’s Showtime” na malapit na madapa. “Your service is quite slow,” sabi niya agad, sabay taas ng isang kilay. “I don’t really like waiting, Serena.” Napatigil ako sandali. Aba, aba, aba! An

  • The Luxe Bachelors 1: The Billionaire's Fake Girlfriend    Chapter 5

    Pagkauwi ko galing sa resto-bar, dumiretso agad ako sa kwarto ni Mama. Nakahiga siya sa lumang kama namin, payat na payat na parang isang ihip lang ng hangin ay matutumba na. Nakalagay pa rin ang maliit na bentilador sa tabi niya, umiikot-ikot, pero parang walang silbi kasi ramdam ko pa rin ang bigat ng hangin sa loob ng bahay.“Mama, gising ka pa?” dahan-dahan kong tanong habang inilalapag ang baon kong tinapay sa lamesa.Napangiti siya kahit halatang hirap. “Oo naman, anak. Kumain ka na ba? Baka naman puro trabaho na lang iniintindi mo.”Napangiwi ako. Kung alam mo lang, Ma, na dalawa na ang trabaho ko. Yung isa, fake girlfriend ng lalaking parang refrigerator ang puso.Umupo ako sa gilid ng kama niya, pinisil ko ang malamig niyang kamay. “Mama, huwag ka munang mag-alala sa’kin. Dapat ikaw ang iniintindi. May gamot ka pa ba?”“Kaunti na lang. Pero huwag ka nang bumili, anak. Mahal. Tsaka kaya ko pa,” sagot niya habang pilit na ngumiti.’Yun ang mahirap kay Mama. Kahit alam kong hira

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status