Faith POVWELCOME HOME BABY AMEER FRANCE, BABY AMELIA FRANCES AND MOMMY FAITH!Iyan ang nakasulat sa malaking banner na bumungad sa amin pagkarating sa mansion. May inihanda palang munting salo-salo ang mga kasambahay, na sabik makita ang kambal."Ang lakas ng dugo ni sir Austin. Aba’y kamukhang-kamukha niya ang kambal," ani Manang Elvie, puno ng pagkagiliw ang boses."Kaya nga ma'am, bale ikaw lang po ang nagdala ng siyam na buwan," biro pa ni Rosie na agad sinabayan ng tawanan."Kung sino raw ang kamukha ng sanggol, siya raw ang nag-enjoy nang husto habang ginagawa ang mga babies," sigaw ng isang pamilyar na tinig mula sa kusina.Napalingon ako agad. "A-Ate Elvie?!""Surprise!!" aniya, sabay labas ni Kim mula sa likuran niya."Kim!" agad siyang lumapit at niyakap ako nang mahigpit, ingat na ingat dahil kapapanganak ko lang.Pagbitaw namin ay napatingin ako kay Austin."She’ll take care of you, hon," wika niya saka ako inaakbayan. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya, saka siya tini
Last Updated : 2025-12-04 Read more