Faith’s POVMatapos ang tagpong iyon sa mismong kaarawan ko, bumalik na naman sa dati si Austin nang mga sumunod na araw; tahimik, mailap, at para bang walang nangyari. Ako rin, bumalik sa nakasanayan kong pag-aasikaso sa kanya araw-araw, pero hindi ko na inulit ang pagdadala ng lunch sa opisina niya.Madalas na rin akong magsuot ng lingerie bago matulog. Hindi para akitin siya, kundi para umiwas siya. Alam ko kasing sa tuwing ganoon ang suot ko, aalis siya at iiwas sa kama namin. Hindi ko alam kung saan siya natutulog, at ayoko na ring alamin pa… baka masaktan lamang ako sa katotohanan.Mabilis lumipas ang mga araw, at bago ko namalayan, tatlong buwan na agad ang nagdaan. Tuluyan ko na lang tinanggap sa sarili ko na isa akong bilanggo. Magara nga lang ang kulungan ko, isang mansion na puno ng mamahaling gamit, ngunit walang kalayaan. Lalo pang humigpit ang seguridad; bawat pintuan ay tila may kadena, at bawat galaw ko’y may matang nakamasid.
Terakhir Diperbarui : 2025-10-26 Baca selengkapnya