Third PersonHabang abala si Austin sa paghahanap kina Faith, Jairee, at Axel, may isa ring grupo na tahimik na kumikilos para hanapin ang mga taong iyon.“Ilang araw na ang lumipas, wala pa rin kayong nakukuhang lead?” galit na sigaw ng ginang sa kaniyang mga tauhan.Nasa isang rest house sila sa Batangas. Ang hangin sa paligid ay malamig, pero kabaligtaran ang init ng ulo ng ginang.“Mom, calm down,” ani Daphnie habang lumalapit at marahang hinahaplos ang likod ng ina.“Isa ka pa!” singhal ng ginang. “Tonta! Gumagawa ka ng sarili mong desisyon pero hindi mo naman mapanindigan!” Mabilis niyang hinarap si Daphnie, ang mga mata’y nagliliyab sa galit.“Akala ko patay ka nang, gaga ka! Akala mo ipahahanap kita, ano?”Tahimik si Daphnie sa ilang sandali bago tuluyang nagsalita, bakas ang kirot sa boses.“Anak mo ba talaga ako, Mommy?”“Sa kabobohan mo, gusto kong itanggi na anak nga kita!” sigaw ng ginang, sabay lagok ng alak mula sa kopitang hawak.“Pasalamat ka at may dala kang anak nan
Last Updated : 2025-11-07 Read more