Faith POV Pagkatapos ng shopping kahapon, balik na ulit sa normal ang buhay. Oo, ito na ngang masasabi kong normal na buhay ko, ng buhay namin ni Jairee. Nakakainip, nakakabagot! Gusto kong magtrabaho, pero alam kong hindi ako papayagan ni Austin.Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos kong asikasuhin sina Austin at Jairee, eto ako ngayon, nakatambay sa garden habang hawak ang libro. Pangalawang libro ko na ito mula kahapon.Nasa kalagitnaan ako ng binabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jaecob ang tumatawag. May pananabik kong agad na sinagot ang tawag.“Hello, Jaecob. Nakaalala ka?!” masigla kong bungad.“Gusto ko lang malaman kung buhay ka pa,” sagot naman niya na ikinatawa ko.“Naku, buhay na buhay pa naman ako. Haha! Kayo ni Stella, kamusta? Tutupad ka naman siguro sa usapan natin, ano?” pinaseryoso ko na ang tinig ko.Natahimik siya sa kabilang linya. Hmmm…
Last Updated : 2025-10-28 Read more