Faith’s POVKagaya kahapon, nandito na naman kami lahat sa eskwelahan. Pagpasok ko pa lang sa gate ay agad akong binati ng mga trabahador. Bumati rin naman ako pabalik, marespeto at magagalang naman kasi sila. Hindi sila 'yung tipo ng taong mapagpapansin o bastos.“Sige, lapit pa, baka gusto mong matulad kay Tonyo,” biro ng isang trabahador na agad nakatawag ng pansin ko. Sino si Tonyo?“Sino po si Tonyo?” tanong ko na lang, dala na rin ng pagka-curious.“Asawa po ni Janneth,” sagot ng isa. Ah, Tonyo ang pangalan niya. Kahapon kasi, dahil sa presensiya ni Austin, ni hindi ko naitanong kung sino ang kumausap sa akin.“Bakit po? Anong nangyari?” tanong ko pa, medyo naguguluhan.“Wala naman po,” sagot ng isa, sabay sabing, “Halika na, Maning. Sa taas ka na magsimula habang hinihintay pa ang iba nating kasama.” Kumilos naman agad ang tinawag na si Mani
Huling Na-update : 2025-09-28 Magbasa pa