NAPAILING na lamang si Caitlyn habang naririnig ang paliwanag ni Fiona, sa huli ay siya pa rin ang pagmumukhaing masama.“Humingi ka ng tawad sa kapatid mo,” utos ni Meriam, nang hindi ito tinitingnan.Mariing naglapat ang labi ni Fiona, may gusto pa siyang sabihin pero ayaw niyang tuluyang magalit ang ina. “S-Sorry.”“Lakasan mo, wala kaming naririnig,” utos pang muli ni Meriam.Umiling-iling si Fiona, pulang-pula na ang mukha sa galit at hiya. “N-No…”“Gawin mo na lang,” anas ni Jude, pagkatapos ay lumapit kay Caitlyn. “I’m sorry… sa nagawa ko. H-Hindi ko alam na, nagsinungaling si Fiona. Kaya ako na ang—”“Jude!” hiyaw ni Fiona. “Ba’t ka nagso-sorry sa kanya?!”“Dahil nasaktan ko siya, okay?! Dahil sa kasinungalingang ginawa mo, may nasaktan ako!” sigaw sabay lingon ni Jude, galit na galit ang ekspresyon.Nanginig ang labi ni Fiona, may luha muli sa mga mata na nagbabadyang pumatak. Nilalamon siya ng galit kaya marahas niyang inalis ang dextrose sa kamay sabay karipas nang takbo pa
Last Updated : 2025-11-24 Read more