LOGINNaguguluhan ang tatlo sa sinasabi ni Caitlyn, hindi mapaniwalaan na magagawa ni Fiona ang ganoong bagay.Kitang-kita sa mukha na hindi naniniwala ang kanyang pamilya. Kaya hinamon niya ang mga ito, “Mahirap bang paniwalaan o talagang ayaw niyo lang maniwala? Sige, para mapatunayan na nagsasabi ako nang totoo… ba’t ‘di kayo mag-imbestiga? Alamin niyo lahat at nasisiguro kong matutuklasan niyong kamag-anak niya ang dumukot sa’kin.”“S-Sinungaling!” sigaw ni Fiona. Ang galit sa mukha ay napalitan ng takot at luha. “Walang katotohanan ang sinasabi mo! Gumaganti ka!”Umismid lang si Caitlyn, hindi na umuobra ang paiyak-iyak nito. “Sagutin mo muna ang tanong ko. Kung gawa-gawa ko ang lahat para magmukha kang masama ba’t ka—”“Tama na! Tumigil ka na!” sigaw ni Alejandro, halos dumagundong ang boses sa buong kabahayan.Na maging ang mga katulong ay napasugod upang alamin ang nangyayari sa pamilya habang nakatago ang iba sa pader para hindi mapansin.Puno ng kirot ang ginawang paglingon ni Cai
KINAUMAGAHAN ay dumating si Mika para sunduin si Caitlyn. Bakas ang pag-aalala nito, animo ay malubha ang sakit niya.“Ano bang nangyari? Ba’t ikaw lang mag-isa, nasa’n sila Tita?”Nagbaba ng tingin si Caitlyn, hindi na gusto pang sabihin ang mga nangyari. “H-Hindi ko pinaalam na nandito ako,” pagsisinungaling niya pa.“Bakit naman? Dapat alam nilang nagkasakit ka. Sandali at tatawagan ko—”Agad na pinigilan ni Caitlyn ang kaibigan. “Hayaan mo na, ayoko na silang maabala.”Napakunot-noo si Mika. “At kailan ka pa naging abala?” Habang tinititigan ang mukha nito ay napagtanto niyang tila may hindi tama. “May… may nangyari ba?”Ngumiti si Caitlyn para itago ang totoo. “Wala, alam mo naman na simula nang bumalik ako ay nag-iba na ang trato nila sa’kin.”Bumakas ang inis sa mukha ni Mika. “Iyang pamilya mo talaga,” aniyang naaawa para sa kaibigan.Hinawakan niya ang balikat nito. “Sanay naman na ako. Tara, umalis na tayo.” Saka niya ito marahang hinila sa braso.Tahimik naman na naglakad s
PINAGMASDAN ni Meriam ang natutulog na anak. “Hindi naman malubha ang sakit niya, tama? Pero si Fiona, mas higit akong kailangan ng anak ko rito,” aniya, pinipili ito kaysa kay Caitlyn—ang sariling anak. “Maaari bang ikaw na muna ang bahala sa kanya?” Saka niya ito nilingon.Hindi umimik si Ezekiel, tumango lang siya saka lumabas ng silid. Pagkasara niya ng pinto ay mariin niyang naikuyom ang kamay.Buong akala niya ay masiyado lang exaggerated si Caitlyn, dinidibdib ang galit para sa pamilya dahil mas higit na pinapaburan si Fiona. Iyon naman pala ay totoo.Oo, mas higit ngang delikado ang kondisyon nito pero—pababayaan na lamang ba nila ito?Bumalik siya sa ER at pinili na lamang na bantayan ito, pumuwesto siya sa gilid ng nurse station kung saan ay natatanaw niya ito, ganoon din ang ibang pasiyente.Ang ilang nurse sa station ay nagtataka kung bakit naroon ang doctor na madalas lang naman sa opisina nito.“Tanungin mo kaya?” Paniniko pa ng isang nurse sa kasamahan.Tila nahihiyang
PAGLABAS ni Caitlyn mula sa ospital ay dumiretso siya sa condo. Matapos ang nangyaring eksena, malamang sa malamang ay galit ang pamilya niya sa kanya.Kaya hindi siya uuwi—mas mainam na mapag-isa muna, kahit ilang oras o araw lang hanggang sa kayanin niyang muling harapin ang pamilya.Bumili muna siya ng pagkain para habang nagsisenti ay may napapapak naman siya. Hindi pa gaanong maayos ang mga gamit, may ilang kalat saka ang kusina at sala pa lang ang malinis tingnan—ni hindi pa nga siya nakakabili ng kama para sa kanilang dalawa ng kaibigan.Nilapag niya ang pagkain sa center table saka in-on ang telebisyon, mas gusto niyang manuod habang kumakain. Nang matapos ay naglaro naman siya online at kung ano-ano pa para lang malibang—hindi maisip ang nangyari.Hindi niya sasayangin ang oras sa pag-iisip o pag-iyak dahil nasaktan siya ng ina.Nang magsawa sa paglalaro ay humiga siya sa sofa hanggang sa tuluyang makatulog. Gusto niya ng pahinga mula sa gulong nangyayari ngunit sa halip na i
NAISUGOD sa tamang oras si Fiona kaya agad siyang nailigtas ng doctor. Bukod roon ay mababaw lang din ang sugat at malayo sa pulso kaya walang panganib na dulot ang nagawa nito sa sarili.Ngunit dahil marami-raming dugo ang nawala ay kinailangan na obserbahan, iyon ang sabi ng doctor.Matapos matahi ang hiwa sa kamay, malapit sa pulso ay inilipat sa ICU si Fiona. Nakasunod naman si Jude—saktong kalalabas lang ni Ezekiel matapos masuri ang pasiyente kaya napansin niya ang pamangkin.“Anong ginagawa mo rito?”Nagbaba ng tingin si Jude, animo ay guilty. “Si Fiona.” Saka niya nilingon ang fiancee na nasa loob.Sinundan ni Ezekiel ang tingin nito. “Anong nangyari?”“B-Balak niya kasing saktan ang sarili niya kaya pinigilan ko pero—” hindi niya kayang ipagpatuloy ang sasabihin, nagi-guilty siya. “Kasalanan ko ‘to.”“Natawagan mo na ba ang pamilya niya?”Natigilan si Jude at napatingin sa tiyuhin. “U-Uncle, hindi ko sila kayang tawagan. Wala akong mukhang—”Tinapik ito ni Ezekiel sa balikat
PINARADA ni Caitlyn ang kotse sa isang gusaling natatanggal na ang pintura. Sa loob matatagpuan ang opisina ng taong kausap kanina.Pangalawang beses na niyang nakapunta sa lugar kaya hindi na siya takot kahit madilim ang hallway at nasa dulong bahagi pa ng gusali ang sadya.Nang makarating ay kumatok siya sa pinto at makaraan ang ilang sandali ay bumukas, bumungad sa kanya si Lemuel, isang private investigator.Nilawakan nito ang bukas sa pinto. “Tuloy kayo, Ma’am.”Studio type ang silid, nasa dulong gitna ang table nito habang ang nagsisilbing receiving area ay katapat lang ng pinto.“Maupo muna kayo, Ma’am,” anito sabay muwestra ng brown at lumang sofa. Matapos ay dali-daling kumuha ng maiinom.Ang kagamitan sa paligid ay halatang ilang taon ng naroon dahil sa kalumaan pero magkaganoon man ay malinis magtrabaho si Lemuel kaya tiwala siyang magagawa nito nang mabilis ang trabaho.Sa paanong paraan niya nahanap ito?Tinulungan siya ni Mika, dahil isang dating professor si Lemuel sa l







