MAKALIPAS ang mahigit na isang oras na biyahe ay narating na nila ang hotel. Pero natagalan pa sila sa paghahanap ng space para sa sasakyan.“What if mauna ka na ro’n? Na sa’yo naman ang invitation.”Umiling si Caitlyn, mahigpit na hawak ang clutch bag. “Sabay na tayo.”Tumango si Ezekiel, sakto naman na habang nagmamaneho palibot sa lugar ay na-spot-an niya ang isang lalakeng naka-uniporme. Kakalabas lang nito sa hotel kaya nagmaneho siya palapit at nagtanong, “Excuse, I think wala nang space para pag-parking-an. May venue sa loob at invited kami.”“Good evening, Sir. Akin na po ang susi, ako nang bahalang mag-park—valet po ako,” pahayag ng lalake.Pagkatapos ay lumabas na ang dalawa sa kotse at naglakad papasok sa hotel matapos bigyan ng valet ticket.Palapit pa lang sila sa labas ng venue ay tumayo na ang staff na nag-a-accept ng invitation. “Good evening, Sir. Pasok na po kayo.”Tumango si Ezekiel, hawak ang kamay ni Caitlyn saka nagtanong, “Nag-start na ba?”“A few minutes ago, S
Read more