NATAMEME si Fiona, nawalan na ng masasabi dahil may punto ito. Ngunit hindi siya makakapayag na masasayang lang ang pinaghirapan.Ilang oras niyang pinag-isipan ang gagawin para mapalayas sa bahay si Caitlyn. “M-Malay ko! Siguro may ginawa kang paraan para makapasok sa kwarto ko.”Umismid si Caitlyn. “Okay, kung ‘yan ang paniniwala mo—pero sagutin mo muna ang tanong ko. Kung may balak akong nakawin ang alahas ni Mommy, pati na ang necklace na ‘to… ba’t ko ibabalik?”“K-Kasi…” Saka napatingin isa-isa sa ama, ina at kapatid na tila may makukuha siyang sagot sa mga ito.“Cat got your tongue?” mapang-asar na sabi ni Caitlyn, na ikinapula ng mukha nito dahil sa hiya.Gayon pa man ay taas-noo pa ring tumingin si Fiona sabay lahad ng kamay. “Give it back, bigay sa’kin ‘yan ni Jude.”Nagtaas ng kilay si Caitlyn, bakas ang pagkamangha sa narinig. “Oh, kaya pala pamilyar sa’kin.” Saka binalingan ng tingin ang ina. “Mommy, may naaalala ka ba sa necklace na ‘to?”Napakunot-noo si Meriam. “A-Anong
Last Updated : 2025-10-16 Read more