BIYERNES ng gabi, habang magkasalong kumakain ang magkaibigan ay nagkuwento si Mika, “Nag-chat nga pala kanina si Matthew sa’kin.”“Hmm?” react ni Caitlyn habang ngumunguya.“Nag-aaya siyang kumain tayo sa labas,” patuloy ni Mika.Napakunot-noo siya sa narinig. “Kailan pa kayo naging close no’ng kaibigan ni Ezekiel?”Tiningnan siya ng kakaiba ni Mika saka natawa. “In-add niya ‘ko sa social media at in-accept ko, tapos!” mabilisan niyang kuwento.Tumango-tango si Caitlyn saka nagpatuloy sa pagkain, pero mayamaya pa ay nagtanong, “Pero ‘di mo man lang sinabi sa’kin?”Ngumisi si Mika, iyong ngiting halatang may itinatago. “Actually… iyon na nga. Nag-chat siya sa’kin, so, payag ka?”“Tayong tatlo lang?” Saka siya napaisip. “Ahm… sa totoo lang, kahit kaibigan siya ni Ezekiel ay ayokong magpakampante—”“Isasama naman niya si Dok Ezekiel, kaya I’m sure na walang issue sa’yo?”Natahimik si Caitlyn, ilang sandali pa ay nagbaba ng tingin sa kinakain.“So, ano? Payag ka?” tanong ni Mika. Sa pana
最終更新日 : 2026-01-13 続きを読む