HABANG NAGHAHAPUNAN ay panay ang tingin ni Caitlyn sa cellphone, kanina pa siya may hinihintay.“Ano ‘yun?” tanong ni Mika habang ngumunguya, ang kutsara ay nasa labi pa. “May hinihintay kang tawag or something?”Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Caitlyn, saka binaba ang hawak na kubyertos. “Ganito pala ang feeling, ‘no? ‘Pag naghihintay ng reply, ang bagal ng oras.”Napangiti naman si Mika habang naiiling. “Yeah, ang boring nga.”Bigla siyang napatingin sa kaibigan. “What do you mean? Don’t tell me, may boyfriend ka?”Kumunot-noo sabay ngiwi si Mika. “Wala, ‘no! Pero dati, meron. Ilang months lang naman tapos ay—” Saka nagkibit-balikat. “Nag-break kami.”“Kailan ‘to? Ba’t ‘di mo man lang sinasabi?” Biglang na-curious si Caitlyn, tuluyan nang nakalimutan na kanina pa siya naghihintay ng reply ni Ezekiel.Napanguso si Mika, parang bata na pinapalobo ang loob ng bibig. “Well, a few months after mong ma-kidnap. Sobrang stress at lungkot ng buhay, tapos lumala pa ang kondisyo
最終更新日 : 2026-02-03 続きを読む