LUMAPIT si Matthew habang nakatingin sa dalang pagkain ng estudyante. "Para sa'kin ba 'to?"Umiling si Amara. "I-I mean, yes! Pero anong ginagawa niyo rito, Sir? Kailan kayo lumipat?""This weekend lang, mas malapit kasi sa university," sagot ni Matthew. "Ikaw? Pa'no mo nalaman na nandito ako?" Naningkit ang mata niya, halata ang pagdududa sa mukha. "Don't tell me…?""It's not what you think, Sir! Pagmamay-ari namin 'tong apartment at nagbibigay kami ng foods sa bagong tenant!" natataranta si Amara sa pag-explain, buti na lang at hindi siya nautal."Oh… akala ko dito ka rin nakatira," ani Matthew.Si Amara naman tuloy ang nalito. Akala niya ay pagdududahan siyang nang-stalk o kung ano pa mang creepy situations na maiisip ng sandaling iyon."Thank you," ani Matthew, may ngiti sa labi at pagkatapos ay kinuha na sa kamay nito ang pagkain.Mabagal ang pagtango ni Amara matapos matigilan nang ngumiti ito. "Wow…""Ano 'yun?"Umiling-iling siya nang mapagtanto ang nasabi. "Sige, Sir, alis na
Última atualização : 2026-09-21 Ler mais