PAGPASOK ni Caitlyn sa kwarto ay saktong sinagot na ang tawag. "Hello, nasa ospital ka pa ngayon?""Yes, bakit?" balik tanong ni Ezekiel."Kasi..." Saglit siyang sumulyap sa saradong pinto. "Nandito ang parents mo," bulong niya, na tila ba maririnig siya mula sa labas."Ano?" Hindi agad naintindihan ni Ezekiel ang sinabi nito dahil abala sa trabaho, saka bihira lang bumisita ang mga magulang niya."Nandito ang parents mo, nasa condo ko ngayon," pag-uulit ni Caitlyn.Doon na natigilan si Ezekiel, pagkatapos ay mariing napapikit nang maalalang hindi pa pala niya nasasabi na lumipat na siya ng ibang condo. "Oh no... Sorry, nakalimutan kong sabihin sa kanila.""Ayos lang, ako na lang ang magsasabi. Anong oras ba ang out mo?""Around seven... Are you sure na ayos lang sa'yo? May sinabi ba sila o kinuwento?""Wala naman," hindi na niya in-open up ang sinabi ng ina nito dahil baka mas lalo lang silang magkailangan."Okay, mamaya na lang tayo mag-usap at tatawagan ko muna sila." Matapos ay in
最終更新日 : 2026-01-23 続きを読む