Ang lamig ng silid ay tila dumidikit sa balat ni Cassandra, ngunit kahit gaano kalamig, ang pawis sa kanyang sentido at leeg ay patuloy na tumutulo. Nasa isang lugar siyang hindi niya kilala—amoy kalawang, alikabok, at lumang kahoy ang paligid. Ang tanging liwanag ay mula sa isang lumang ilawan na kumikislap sa kisame. Bawat kisap ng liwanag ay nagpapakita ng mga aninong nagbabantay sa kanya, at bawat anino ay parang mga matang nakamasid.Pilit niyang hinila ang kanyang kamay, ngunit mahigpit itong nakatali ng lubid sa likod ng isang haligi. Ang balat niya ay nagkapeklat na sa kaka-pilit na kumawala. Nang marinig niya ang papalapit na mga yabag, tumigil ang kanyang paghinga.At doon, lumitaw si Marco.Hindi niya kailangan ng maraming salita para magdala ng takot. Ang paraan ng paglalakad nito—dahan-dahan, sinasadya, parang isang mandaragit na nag-eenjoy sa kaba ng kanyang biktima—ay sapat na para patindigin ang balahibo ni Cassandra.“Cass…” bulong niya, mababa, halos parang pabulong
Last Updated : 2025-09-17 Read more