Unti-unting huminto ang royal carriage sa mismong gitna ng malawak na plaza ng Aurelia Kingdom. Ang tunog ng mga gulong ay napalitan ng mas malakas na ingay—palakpakan, sigawan ng tuwa, at tugtog ng trumpeta na sabay-sabay umalingawngaw sa buong lugar. “Whoa…” mahina ngunit puno ng gulat na bulong ni Alaric habang dumungaw sa bintana. “Ang dami ng tao.” “Mas marami pa yata kaysa sa last festival sa Arkenfall,” dagdag ni Elera, pilit pinapakalma ang sarili kahit halatang excited. Mula sa loob ng carriage, tanaw nila ang makukulay na banderang may simbolo ng Aurelia—puti at ginto—nakasabit sa bawat haligi. May mga bulaklak sa daan, sariwa at mabango, at sa magkabilang gilid ay nakahanay ang royal guards ng Aurelia, maayos ang tindig, sabay-sabay ang galaw. Tumayo si Nathaniel, agad nagbago ang aura. Mula sa playful father mode, bumalik ang Hari ng Arkenfall—matikas, kalmado, pero may presensya na hindi kailanman nawawala. “Alright,” mababang sabi niya. “Royal posture. Calm breathi
Last Updated : 2025-12-24 Read more