SANDRA’S POV Habang patuloy ang malakas na ulan, unti-unti ring humupa ang ingay sa loob ng sasakyan. Tahimik na nakamasid si Arthur sa daan, habang sa likod ay walang humpay ang tawanan nina Natalie, Erica, Cristine, Shaneen, Bethanny, at Arabelle. Panay ang selfie nila kasama si Arthur kahit nagmamaneho ito, at kung minsan ay ako pa ang ginagawang photographer. Pagdating sa tapat ng unit nina Erica, Natalie, Cristine, Shaneen, at Bethanny ay binuksan ni Arthur ang payong at siya pa mismo ang naghatid sa kanila hanggang sa lobby. Kahit basang-basa na, ngiti pa rin siya nang ngiti. Sila naman ay halos himatayin sa kilig. “Sandra! Girl! Promise, ibang level ang boyfriend mo!” sigaw ni Natalie bago sila sumakay sa elevator. “Thank you, Sir Arthur! We love you!” dagdag pa ni Cristine, sabay flying kiss. “No worries,” ani Arthur habang kumaka
최신 업데이트 : 2025-11-07 더 보기