SANDRA’S POVKahit sa kabila ng kasiyahan namin ni Kaydie ay hindi ko pa rin maiwasang panikipan ng dibdib nang pagtingin ko sa cellphone ko ay wala pa ring kahit isang mensahe mula kay Arthur. Ilang beses kong tiningnan, binuksan, sinara, tapos tiningnan ulitPero pareho lang. Blankong screen at walang kahit simpleng pagkumusta.Sinubukan kong itago ang lungkot sa likod ng pilit na ngiti. Ayokong sirain ang magandang araw na ibinigay ni Kaydie. Kaya habang naglalakad kami pabalik sa sakayan, pinilit kong tumawa pa rin sa mga hirit niya, kahit pa ang utak ko ay paulit-ulit na bumabalik kay Arthur, at sa babaeng nakita ko kanina sa opisina niya.“Text mo ako pag nakauwi ka na, ha?” sabi niya. “And San… kalimutan mo na iyong kanina sa school, okay?”Tumango lang ako, pilit na ngumiti.“Oo, promise. Salamat, Kaydie.”Pero pag-alis niya, ang unang ginawa ko ay ang tignan ulit ang cellphone ko. Wala pa rin.Pumara ako ng taxi at naupo sa likod, nakasandal sa malamig na upuan. Sa labas, d
Última atualização : 2025-11-11 Ler mais