SANDRA'S POVRamdam ko ang tensyon sa loob, parang may mabigat na usok na bumabalot sa pagitan naming dalawa. Sinubukan kong ngumiti, pero hindi siya tumingin.“Arthur…” mahinahon kong tawag sa kaniya.Hindi siya sumagot, nakapako lang ang tingin sa daan. Kita ko ang pagkakakuyom ng kaniyang panga, at ang mga daliri niyang mariing nakahawak sa manibela.“Hindi ko alam na magagalit ka nang ganito,” mahinang sabi ko. “Kaibigan ko lang si Kaydie, Niyaya niya ako kanina—"“Kaibigan?” mabilis niyang putol, malamig pa rin ang tono. “Kaibigan na hinahawakan ka sa braso habang naglalakad sa kalsada?”Napatigil ako. Napalunok. “Arthur, hindi gano’n ‘yon. Hindi ko naman sinasadya—”“Pero hinayaan mo,” putol niya muli. “Hinayaan mong magmukha akong tanga habang nakatingin sa inyong dalawa.”Napayuko ako. Sa gilid ng aking mata, kita ko ang bahagyang pagkibot ng kaniyang labi. Bakas ang galit, selos, at may halong sakit.“Arthur, please,” pakiusap ko. “Hindi mo kailangang magselos. Alam mo naman
Huling Na-update : 2025-10-25 Magbasa pa