SANDRA’S POVBago ako makapunta sa bahay nila Arthur sa Friday, kailangan muna naming dumalo sa teaser shots para sa re-launching ng J&J perfume ngayong Valentine’s Day. Maaga pa lamang ay naghanda na kami ni Arthur.“You ready, baby?” tanong ni Arthur nang makapasok ako nang tuluyan sa loob ng kaniyang kotse. Alas singko pa lamang ng madaling araw.“Yes, I am… Medyo kinakabahan lang,” nakangiti kong sagot.Pagdating namin sa studio ay agad kaming hinatak ng staff papunta sa magka-separate na rooms. Sa akin, sinalubong agad ako ng glam team na tila sabik na sabik na simulang ayusan ako.“Ang ganda ng skin mo, miss Sandra. Hindi na namin kailangang mag-full coverage,” sabi ng makeup artist habang pinapahiran ako ng lightweight foundation na halos kuminang sa ilaw. Naglagay siya ng soft pink blush na nagbigay ng natural glow sa pisngi ko, habang ang eyeshadow ay champagne tones na nagpa-highlight pa lalo sa mata ko. Pinili rin nilang gawing soft waves ang buhok ko, bagsak, makintab, at
Last Updated : 2025-11-15 Read more