SANDRA’S POV Matapos ang awarding ceremony ay halos hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Sa bawat bigat na pinagdaanan ko, ngayon ay may medal na nakasabit sa leeg ko, at higit pa roon, isang pakiramdam ng pagtanggap na matagal ko nang hinahanap. Pagkatapos ng program, nilapitan ako nina Kaydie at ng mga magulang niya. “Anak,” wika ni Mommy Cely habang nakangiti, “since it’s a special day for both of you, sumama ka na sa amin. We’ll have a small celebration at home.” “Mom…” sabat ni Kaydie, sabay ngiti sa akin. “Please say yes, Sandra. Promise, masaya ‘yon. Wala kang kawala sa akin.” Hindi ko na nagawang tumanggi. “Sige na nga,” sagot ko, sabay ngiti. “Pero baka maabala po ako sa inyo, Mommy Cely.” “Naku, hindi mo kami maabala, anak,” mabilis niyang tugon. “You’re more than welcome.” Pagdating namin sa bahay nila Kaydie, halos mapanganga ako. Isang malaking mansion ang bumungad sa akin, napapalibutan ng mga punong ornamental at may mga mamahaling sasakyan sa garah
最終更新日 : 2025-10-27 続きを読む