PAGKAUWI NI DAMION galing trabaho, hindi niya nakita si Czarina sa sala maging sa hapag-kainan, kaya dumiretso ito sa kanilang kwarto, doon niya nakita si Czarina nakasandal sa sofa, ang mga binti ay nasa coffee table, nagbabasa ng libro at may ubas na kinakain.“I’m home, darling,” nakangiting wika ni Damion, saka hinubad ang coat. Lumapit siya kay Czarina at hinalikan ang noo.“Welcome home, hubby,” nahihiyang saad ni Czarina.Damion has been calling her wife or darling ever since he learned about her pregnancy. Kaya naman ay sinubukan niya ring tawagin ito sa endearment nila.Samantala, napatigil naman si Damion, nakatitig sa kumikislap nitong mga mata.“What did you call me?” Kumirap si Damion, hindi mapakaniwala sa narinig.“Hubby,” ulit ni Czarina.Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Damion saka niya mapupusok na hinalikan si Czarina sa mapupula nitong labi.Nang mahiwalay ang kanilang mga labi, hingal na hingal silang pareho. Damion looked at her with amusement in his eyes.
Last Updated : 2025-12-16 Read more