 Masuk
MasukMatapos ang masayang kainan at walang katapusang tawanan, unti-unti nang nagpaalam ang mga bisita. Lumapit ang aming mga pamilya at kaibigan upang magpaalam at bumati sa amin bago sila umalis.
**"Tina, Justin, congratulations ulit! Ang ganda ng kasal niyo!"** sabi ni Loury habang niyayakap ako.**"Oo nga, besh! Pero ito na ang pinakahihintay namin—ang first night niyo bilang mag-asawa!"** dagdag ni Laica sabay kindat, na ikinatawa ng lahat.**"Naku, hayaan na natin sila! Baka naiinip na si Justin!"** biro naman ni Aicel, dahilan para hawakan ni Justin ang batok niya at mapangiti.**"Hoy, grabe kayo!"** sagot ko habang namumula sa hiya.**"Enjoy your night, lovebirds!"** sigaw ni Franz bago sila isa-isang umalis.Habang papalapit kami ni Justin sa hotel suite na tinuluyan namin para sa gabing ito, ramdam ko ang kakaibang saya at excitement. Nang isara namin ang pinto, saglit kaming tumingin sa isa’t isa—parehong napapangiti,
Matapos ang masayang kainan at walang katapusang tawanan, unti-unti nang nagpaalam ang mga bisita. Lumapit ang aming mga pamilya at kaibigan upang magpaalam at bumati sa amin bago sila umalis. **"Tina, Justin, congratulations ulit! Ang ganda ng kasal niyo!"** sabi ni Loury habang niyayakap ako. **"Oo nga, besh! Pero ito na ang pinakahihintay namin—ang first night niyo bilang mag-asawa!"** dagdag ni Laica sabay kindat, na ikinatawa ng lahat. **"Naku, hayaan na natin sila! Baka naiinip na si Justin!"** biro naman ni Aicel, dahilan para hawakan ni Justin ang batok niya at mapangiti. **"Hoy, grabe kayo!"** sagot ko habang namumula sa hiya. **"Enjoy your night, lovebirds!"** sigaw ni Franz bago sila isa-isang umalis. Habang papalapit kami ni Justin sa hotel suite na tinuluyan namin para sa gabing ito, ramdam ko ang kakaibang saya at excitement. Nang isara namin ang pinto, saglit kaming tumingin sa isa’t isa—parehong napapangiti,
Tina Point of ViewHabang yakap-yakap ako ni Justin at napapalibutan kami ng aming mga mahal sa buhay, isang staff ang lumapit sa akin at iniabot ang mikropono. **"Bride, ready ka na ba sa bouquet toss?"** tanong nito na may ngiting puno ng excitement. Napangiti ako at tumango. **"Siyempre naman!"** Agad na nagsigawan ang aking mga kaibigan, lalo na sina Loury, Laica, at Aicel, na nagkumpulan sa likuran ko kasama ang ibang dalaga naming kaibigan. **"Hoy, Loury! Baka ikaw na ‘yan!"** tukso ni Laica habang kinikilig. **"Naku, hindi ah! Hindi pa ako ready,"** sagot ni Loury, pero halata sa kanyang mukha na excited din siya. Humarap ako sa kanila, itinaas ang aking bouquet, at huminga nang malalim. **"Okay, ready na kayo?"** sigaw ko. **"READY!!!"** sabay-sabay nilang sagot, halatang sabik na sabik. Sa bilang ng tatlo, itinapon ko nang mataas ang aking bouquet. Lahat ay nag-abang, nag-unahan, at big
Tina's Vow** "Justin, mula sa araw na nakilala kita, alam kong may espesyal sa'yo. Hindi lang dahil sa mga biro mong nagpapatawa sa akin, kundi dahil sa kung paano mo ako pinahalagahan, minahal, at inintindi sa lahat ng pagkakataon. Ikaw ang naging sandigan ko sa masasayang araw at naging ilaw sa madilim na panahon. Ngayon, sa harap ng Diyos, ng ating pamilya at mga kaibigan, ipinapangako kong mamahalin kita sa lahat ng oras—sa saya at lungkot, sa tagumpay at pagkabigo. Ipinapangako kong magiging katuwang mo sa bawat hakbang ng ating buhay. Magiging kakampi mo ako sa bawat laban, at kahit anong pagsubok ang dumating, hindi kita bibitawan. Mahal kita, Justin, at lagi kong pipiliin na mahalin ka—araw-araw, habang buhay." **Justin's Vow** "Tina, ikaw ang babaeng pinangarap kong makasama habambuhay. Mula nang dumating ka sa buhay ko, binigyan mo ako ng dahilan para maging mas mabuting tao, para mangarap nang
Pagkatapos kong maligo at maghanda, dumating ang aking mga kaibigan upang samahan ako sa espesyal na araw na ito. Pagpasok nila sa silid, agad silang napangiti at lumapit sa akin. "Ang ganda mo, Tina!" sabi ni Loury habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Parang prinsesa!" dagdag ni Laica, sabay yakap sa akin nang mahigpit. Naramdaman ko ang init ng kanilang pagmamahal at suporta. "Salamat, mga beshie. Hindi ko ito magagawa nang wala kayo," tugon ko habang pinipigilan ang luha ng kaligayahan. "Handa ka na bang isuot ang gown mo?" tanong ni Aicel habang inilalabas ang aking wedding gown mula sa hanger. "Oo, pero kinakabahan ako," aminado kong sabi. "Nandito kami para tulungan ka," sabi ni Loury habang inaayos ang laylayan ng gown. Habang tinutulungan nila akong isuot ang gown, sinigurado naming malinis at maayos ang paligid upang maiwasan ang anumang dumi o mantsa sa damit.
Habang nakaupo kami, nagsimula kaming magkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa aming gabi. "Alam mo ba," sabi ko, "binigyan ako nina Loury ng mga regalo para sa honeymoon natin. Mga lingerie at spa vouchers!"Natawa si Justin. "Talaga? Kami naman nina Ethan, naglaro ng billiards. Tapos tinanong nila ako kung ready na daw ako maging asawa mo.""Ano'ng sabi mo?" tanong ko, habang nakangiti."Sabi ko, matagal ko nang hinihintay 'to," seryoso niyang sagot, sabay hawak sa aking kamay.Napangiti ako at naramdaman ang init ng kanyang pagmamahal kahit na parehong lasing kami. "Ako rin, Justin. Handang-handa na ako."Sa kabila ng kalasingan, ramdam namin ang lalim ng aming pagmamahalan at ang excitement para sa bagong yugto ng aming buhay na malapit na naming simulan. Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Justin. Pagmulat ng aking mga mata, nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin."Happy wedding day, love," bati niya
Makalipas ang ilang araw, dumating na ang gabi ng bridal shower at bachelor party. Nagpasya kaming maglaan ng oras para sa aming mga sarili kasama ang aming mga kaibigan bago ang nalalapit na kasal.**Bridal Shower**Nagsimula ang gabi sa isang intimate na salu-salo sa isang cozy na restaurant. Pinili ng mga kaibigan ko ang lugar na ito dahil sa relaxing ambiance at masarap na pagkain. Habang nagtitipon kami sa paligid ng mesa, nagsimula ang kwentuhan at tawanan."Cheers para sa nalalapit na kasal ni Tina!" sigaw ni Loury habang itinaas ang kanyang baso."Salamat, mga beshies! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala kayo," tugon ko habang nakangiti.Pagkatapos ng hapunan, pumunta kami sa isang private karaoke room. Alam ng mga kaibigan ko na mahilig akong kumanta, kaya't ito ang perfect na aktibidad para sa amin. Nagsimula kaming kumanta ng mga paborito naming kanta mula pa noong college days."Remember this song?" tanong








