Mag-log in"Then, wala nang problema!" deklarang sabi ni Laica, sabay tapik sa balikat ko. "Huwag kang magpapa-stress, buntis!!"
Napabuntong-hininga ako at bahagyang tumango. Alam kong tama sila. Hindi ako dapat magpaka-stress lalo na’t may dinadala akong bata sa sinapupunan ko. Pero kahit anong pilit kong alisin ang kaba sa puso ko, andoon pa rin ito, bumibigat sa bawat segundo ng katahimikan."Hay naku, Tina," dagdag ni Loury, "kung gusto mong malaman ang totoo, huwag kang matakot magtanong. Hindi ka naman siguro kakainin ni Justin, noh?""Oo nga!" second ni Franz. "Aba, kung ako buntis, ipapa-massage ko na lang sarili ko at kakain ng ice cream, hindi yung mag-iisip ng kung ano-ano!"Napangiti naman ako kahit papaano sa sinabi nila. Totoo naman. Bakit nga ba ako magpapaka-stress kung pwede ko namang diretsahang tanungin si Justin?"Okay, fine," sagot ko sa kanila. "Kakausapin ko siya mamaya pag-uwi niya.""Ayan! Ganyan nga!" sabi ni*“Jayten, ready ka na?”* tanong ni Justin habang hinahaplos ang ulo ng anak namin. Tumingin lang si Jayten sa kanya, tila naguguluhan kung ano ang nangyayari. *“O, sige, anak, listen to daddy, ha? Jayten, CRY!”* biglang utos ni Justin. At sa isang iglap, kumunot ang noo ng anak namin, bumaba ang kanyang labi, at maya-maya lang ay tumulo na ang maliliit niyang luha habang lumulon ng iyak. *“Waaaahhhh!”* Natawa ang reporter at ang buong crew. *“Oh my gosh! Ang galing! Parang totoo!”* *“Jayten, SMILE!”* mabilis na sabi ni Justin. At sa isang segundo, biglang tumigil ang iyak ni Jayten. Kumurap siya, at saka dahan-dahang lumabas ang isang napakatamis na ngiti mula sa kanyang mapupulang labi. Nagtatalon pa siya sa kanyang upuan habang natatawa. *“Hala! Ang bilis magpalit ng emosyon! Ang galing-galing mo, Baby Jayten!”* tuwang-tuwang sabi ng reporter. Nagkatinginan kami ni Justin, parehong natatawa.
Habang nakaupo kami sa maayos na inayos na sala, ramdam ko ang excitement sa paligid. Ilang camera ang nakatutok sa amin, at may mga crew na nag-aayos ng huling detalye bago magsimula ang interview. Si Justin ay nasa tabi ko, at si Baby Jayten naman ay nasa kandungan ko, mukhang tuwang-tuwa sa mga ilaw at bagong mukha sa paligid. Nakita kong nagbigay ng senyas ang direktor, at agad namang nagsimula ang host na si Daniel Martinez. Ngumiti siya sa camera bago nagsimula ang kanyang introduction. *"Good day, everyone! Panibagong episode na naman ng inyong paboritong celebrity talk show! Handa na ba kayong makilala ang ating special guests for today?"* Nagpalakpakan ang crew sa paligid para dagdagan ang energy ng eksena. *"Please welcome… the Olarte Family!"* sigaw ng host na may halong sigla habang itinuro kami ng kamay niya. Napangiti ako at kumaway sa camera, habang si Justin naman ay bahagyang tumango at ngumiti. Si Jayten, sa kanyang
*"Eh paano naman kasi, nauna pa yatang malaman ng buong bansa kesa sa akin! Kanina ko lang din nalaman, promise!"* sagot ko habang humahagikhik. Bigla naman siyang tumigil at napahinga ng malalim bago muling nagsalita. *"Alam mo ba? Nanganak na rin ako!"* Nanlaki ang mga mata ko. *"HA?! KAILAN?! Bakit hindi mo agad sinabi?!"* *"Oh, kita mo na? Ang saya mo sa pagiging nanay ng celebrity baby mo, hindi mo man lang ako naalala! Two days ago pa ako nanganak!"* sagot niya na parang nagpapanggap na inis. *"Hoy, hindi ah! Sobrang busy lang! Ano, kumusta ka na? Kamusta si baby?"* tanong ko, ngayon ay puno na ng excitement. *"Eto, medyo groggy pa minsan kasi kulang sa tulog. Pero worth it naman! Sobrang cute ni baby Quicee! Grabe, Tina, hindi ko akalain na magiging nanay na talaga ako. Alam mo yung pakiramdam na para kang lumulutang sa saya, tapos kahit pagod ka na, okay lang kasi may munting anghel na dumating sa buhay mo?"* Napang
Tina’s POV** Habang nakaupo ako sa sala at pinapatulog si Jayten, nagbukas ako ng TV upang manood ng balita. Sakto namang lumabas ang entertainment news, at hindi ko inaasahan ang susunod kong maririnig. *"Breaking news! Ang anak ng sikat na aktor na si Justin Olarte at ng kilalang hair artist na si Tina Baguinaon, ay opisyal nang bahagi ng isang commercial sa edad na siyam na buwan lamang!"* Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood ang screen. Kitang-kita ko ang mukha ni Jayten sa TV—masayahin, cute, at walang kamalay-malay na pinag-uusapan na siya sa buong bansa. Halos malaglag ang panga ko habang ipinapakita ang behind-the-scenes ng commercial niya, kung saan nakasuot siya ng isang puting onesie at nakangiti habang kinakawayan ang camera. *"Napili si Baby Jayten matapos makita ng isang kilalang brand ang kanyang litrato online. Hindi lang dahil sa kanyang angking kagwapuhan, kundi dahil na rin sa kanyang natural na charm na namana sa kanya
Si Justin naman ay lumapit at hinaplos ang ulo ni Jayten. *"Anak, bakit ka iyak nang iyak, ha? Hindi mo ba namiss si Daddy?"* Dahan-dahan ko siyang pinaupo sa kama at sinimulang i-rock pabalik-balik sa mga bisig ko. Pinunasan ko ang maliliit na luha sa pisngi niya at hinalikan ang noo niya. *"Baka gutom siya?"* tanong ni Justin habang inaabot ang bote ng gatas na nakahanda sa lamesa. Sinubukan kong ibigay kay Jayten ang bote, pero umiling lang siya at mas lalong yumakap sa akin. *"Ayaw niya, love. Parang gusto lang niyang magpakarga."* Napangiti si Justin at umupo sa tabi ko. *"Hay naku, spoiled ka talaga sa Mommy mo, Jayten. Paano na lang ‘pag lumaki ka, ‘di ka na pwedeng laging karga ni Mommy!"* biro niya, pero halatang natutunaw sa paglalambing ng anak namin. Unti-unting huminahon si Jayten, at ilang minuto lang ay mahina na ang paghinga niya—senyales na nakatulog na siya. *"Grabe, gusto lang pala niya si Mommy,"* bulong
Napatawa ako sa sinabi ni Jai habang yakap-yakap niya si baby Cheska Ren. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala, pero halata rin sa tono niya na nagbibiro lang siya. *"Baka manligaw yang anak mo, Justin, sa Cheska ko. Naku, mababalatan ko ‘yan ng wala sa oras!"* sabi niya habang kunwari’y hinihigpitan ang pagkakayakap sa anak niya. Si Justin naman ay agad na napatingin kay Jai, kunot-noo pero may bahid ng tawa sa mukha. *"Hoy, Jai! Ang aga-aga mo namang maging seloso sa anak mo. Baby pa nga ‘yang si Cheska, pinapangunahan mo na!"* sagot niya sabay akbay sa akin. *"Syempre! Anak ko ‘to eh! Baka mamaya, mana ‘yang Jayten mo sa’yo, Justin, naku, lagot na!"* dagdag pa ni Jai sabay tingin kay Franz, na noon ay tawang-tawa na sa usapan namin. *"Hoy, Jai, ano bang tingin mo kay Justin? Playboy?"* sabat ko naman habang sinusuntok-suntok nang mahina ang braso ni Justin. *"Hala! Ako na naman? Bakit parang ako lagi ang kontrabida sa usapan?"







