NANG matapos ni Francesca na kunan ng litrato ang mag-aama kasama ng iba pa, nilapitan siya ni Jacob at hinatak sa kamay. “Come, Ate Ikay. Join us,” yaya nito sa kaniya. Kasalukuyang kasama nito ang ama at mga kapatid. Masuyo siyang umiling dito. “Huwag na, Jacob. Nakakahiya. . .” mahinang bulong niya, sabay lingon kay Leandro. “Huwag ka nang mahiya, Ikay. Join us,” ani Leandro na ikinagulat niya. She wasn’t expecting him to say that. Nang lingunin niya sina Enrico at Alejandro ay tumango ang mga ito. “Oo nga, Ate Ikay. . . Join us,” sabay pang wika ng dalawa. Wala nang nagawa si Francesca. Nag-aalangan siyang lumapit sa mga ito. “Eh, sino’ng kukuha ng pictures sa ’tin?” wala sa sariling tanong niya. Mabilis na lumapit sa kanila si Caren. “Ako na po, Sir, ang kukuha,” nakangiting presinta nito, na kay Leandro ang tingin, bago kinuha ang camera sa kaniya. Wala na siyang lusot pa. Nahihiyang tumabi siya sa mag-aama. Tiningnan muna niya isa-isa ang tatlong bata, pagkakuwa’y si Le
Terakhir Diperbarui : 2025-09-21 Baca selengkapnya