Share

35 - FOR HIRE

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-09-27 13:34:54

“Wow!” manghang-mangha na sabi ni Maddison pagkakita niya sa mga gym equipments.

“Pwede ko ba ‘yan subukang lahat, Uncle Rainier?”

Natawa si Rainier. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa pamangkin.

“Bata ka pa, hindi mo pa kaya ang mga ‘yan. Mabibigat ang mga ‘yan at hindi tulad ng mga laruan ng isang batang tulad mo.”

Ngumuso si Maddison. “Hindi, Uncle! Strong kaya ako!” Iminuwestra pa ni Maddison ang braso niya na parang may ipinapakitang muscle doon.

“Okay, strong na kung strong. Papayagan kita pero hindi pa ngayon. Mga ilang taon pa siguro.”

“Ay…”

Ginulo ni Rainier ang buhok ng pamangkin. “May binili akong ice cream. Nandun sa pantry. Kumain ka na lang ng ice cream para mabilis kang lumaki.”

“Yey! Ice cream!” masayang sabi ni Maddison, pagkatapos ay binalingan ang ina. “Mama, pwede ako ice cream?”

Ngumiti si Raven sa anak. “Sige, pero huwag masyadong marami. Saka uminom agad ng tubig pagkakain.”

“Opo!”

TAPOS na si Maddison sa pagkain ng ice cream.

“Mama, kukuha lang po ak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
inisin m c Caleb
goodnovel comment avatar
jessa navarro
update more pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore   191 - ANG DALAW

    Nung gabing iyon, mahimbing at malalim ang tulog ni Raven. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagmasahe ni Rainier sa kanyang mga kamay upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo at mawala ang pasa, o dahil sa naging unang hakbang niya para makapaghiganti kay Caleb, na nagbigay sa kanya ng lubos na ginhawa.Pagmulat ng kanyang mga mata, umaga na.Pagbangon, agad niyang naisip si Caleb sa katapat na apartment.Ang dating marangyang CEO, na palaging nagmamalaki. Kailangang 42.3-degree ang tubig sa kanyang paliligo—kapag lumihis ng 0.2 degrees, agad siyang nakasimangot.Isang beses lang niya isinusuot ang kanyang mga damit; kung may gusot ang kanyang suit jacket, agad siyang humihingi ng bago.Ayaw niyang makakita ng pagkaing masyadong masarsa, nagiging parang lugaw daw.Ang kanyang mga kumot at kobre kama ay pinapalitan kada dalawang araw, at bawat set ay kailangang magkakulay.Ngayon, ang mapili at maselan na lalaking ito ay nakakulong sa kanyang silid, walang tubig at walang banyo. Kinailan

  • Not Your Wife Anymore   190 - KONTRATA

    Nang nakalabas na sa apartment na inupahan ni Caleb, tamang-tama na dumating si Eris.“Okay ka lang ba, girlfriend?” tanong niya kay Raven at saka mabilis na niyakap ito. “Eris, remind lang kita na palabas lang ang relasyon natin,” sabi ni Raven habang naiipit sa mahigpit na yakap ng lalaki. Nagkatinginan naman sila Rainier at Elcid. Iisa ang nasa isip nila sa mga sandaling iyon. Iniisip nila kung isama kaya nilang ikulong si Eris kay Caleb?Humiwalay naman si Eris mula sa pagkakayakap kay Raven. “Sorry na, boyfriend o hindi, natural na mag-alala ako sa ‘yo. Ramdam mo naman siguro na gusto kita. Actually, matagal na.” Naumid ang dila ni Raven, pero nilabanan niyang kiligin sa sinabi ng lalaki. Sa halip, may dinukot siya sa kanyang bulsa at saka inabot ang isang lumang cellphone kay Rainier. Nahulog iyon mula sa bulsa ni Caleb at tumama sa sahig nang hindi namamalayan ng lalaki.“Ito ang cellphone ni Ingrid. Bago mamatay si Coleen, nag-iwan siya ng voice message para kay Ingrid na

  • Not Your Wife Anymore   189 - KANINO NATUTUNAN

    “Isinusumpa ko ang aking buhay na mamahalin ko siya, poprotektahan siya mula sa unos at ulan, at hinding-hindi ko siya iiwan. Iyan ang sinabi mo sa akin noon!” sabi ni Rainier. “Kung sisirain ko ang sumpa, nawa’y mamuhay ako nang walang asawa o anak, lubos na nag-iisa, at habambuhay na mamatay sa kapahamakan. Iyan iyon, hindi ba?”Ngunit ang sumpa ni Caleb ay mas marupok pa kaysa papel.Mula nang ikasal si Raven, sinadya ni Rainier na bawasan ang pakikipag-ugnayan sa kanya. Kahit kapag pumupunta siya sa kabisera, hindi niya ito kinikita. Gusto niyang ilibing sa dilim ang nakaraan ni Raven upang hindi na malaman ng mundo.Hanggang sa makipaghiwalay si Raven kay Caleb, dala lamang si Maddison. Saka niya napagtanto na hindi naging ganap na masaya ang kasal nito.Samanatala, iginalaw-galaw ni Raven ang kanyang mga kamay habang pinagmamasdan si Rainier na muling sumuntok kay Caleb.Sumirit ang dugo mula sa bibig ni Caleb. Pero hindi na iyon pinansin ni Raven. Sa halip, binalingan niya si E

  • Not Your Wife Anymore   188 - HULING HABILIN

    “Pinilit ako ng ama-amahan mo na pakasalan ka. At pinilit din ako ng aking tiyuhin! Kung hindi natin kayang ayusin ito, maghiwalay na lang tayo, pero hinding-hindi ko ibibigay sa iyo ang bata!”Naniniwala si Caleb na hindi kailanman hihiwalay si Raven. Ang kanyang karanasan sa pagkabata ang dahilan kung bakit hindi niya kayang iwan ang anak na sariling dugo at laman.“Pinalaya ko si Ingrid.”Nang sabihin iyon ni Caleb, nakita niyang biglang dumilim ang mukha ni Raven.“Hindi mo ba siya pananagutin?” tanong ni Raven habang magkasalubong ang mga kilay.“Pinakialaman niya ang mga helmet ng mga racers, babayaran ko sila. Inutusan niyang pakialaman si Corona. Kung gusto mong panagutin siya, ako ang mananagot! Nag-over speeding siya, nasuspinde ang lisensya. Iyon ang parusang ibinigay ng traffic police sa kanya. Kung tungkol naman sa pinsala ni Mason, iyon ay aral para sa kaY Mason. Naniniwala ako na hindi na muling gagawa ng mapanganib na bagay si Mason.”Matiim na nakatingin si Raven kay

  • Not Your Wife Anymore   187 - PAHALAGAHAN MO SIYA

    Nang magkamalay si Raven, nakaramdam siya ng lamig. Bahagyang nanginig ang kanyang katawan. Pagmulat ng mga mata, nasa isang hindi pamilyar na lugar siya.Mapuputing dingding, mahina ang ilaw. Nakaupo si Caleb sa isang upuan, isang metro ang layo sa kanya.Nakayuko ang lalaki, nakapatong ang mga siko sa kanyang hita, magkahugpong ang mga daliri, tila malalim ang iniisip.Kumilos si Raven, kaya nagkaroon ng ingay sa kinahihigaan niya. Saka lang niya napansin na nakatali siya ng kadena. Nang narinig ni Caleb ang ingay, nag-angat ito ng ulo. Nakaluhod si Raven habang nakatali ang kanyang mga kamay. Tinitigan niya ang lalaki sa harap niya, kinakabahang sinulyapan niya ang tali sa kanyang mga kamay. Ayaw niya ng nakatali, at ang kalabog ng bakal ay lalong nagpawala ng kulay sa kanyang mukha.Noon pa man, ikinakadena na siya ng kanyang unang umampon na mga magulang mula nang matuto siyang gumapang sa takot na siya ay tumakas.Matapos siyang iligtas ni Oscar, matagal bago niya naputol ang t

  • Not Your Wife Anymore   186 - KIDNAPPED

    “Ano’ng kinalaman ng Santana Tech sa iyo?” tanong ni Raven.Nanikip ang lalamunan ni Edward; halatang kinakabahan.“Ano kasi… umaasa ang Micron Technology na ikaw ang magpapadali sa kanilang pagbili ng Santana Technology. Ayaw mo bang sumali sa Micron Technology at maging senior executive sa isang multinational corporation?”Ngumiti si Raven. “Sa negosyo, ang pinakamataas na bidder ang nananalo. Dahil may dalawa pang kumpanyang interesado sa Santana Tech, kung talagang gusto ng Micron ang Santana, kailangan nilang mag-alok ng presyong makakasiya sa Santana Tech.”Nagngitngit si Edward. “Hindi patas iyan!”Kumurap-kurap si Raven; wala siyang makeup, at ang kanyang ekspresyon ay walang emosyon, inosente.“Sa totoo lang, kakakilala ko lang kay Annabel Zamora, presidente ng The A Group. Interesado rin siyang bilhin ang Santana,” nakangiting sabi ni Raven.“P-Pati ang The A Group…”“Kung pipiliin ko ang pinakamababang bidder, ang Micron Technology, para ko ng inaway ang tatlong domestic gi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status