Ngumisi si Raven. “Ganun ba? Eh, kung gusto mo talaga nung kuwintas, kunin mo dun sa basurahan,” nang-aasar na sagot ni Raven sa kapatid.“Bakit ka ba nag-iinarte? Makipagbalikan ka na kay Caleb kung makikipagbalikan ka. Huwag mong idamay ang kuwintas!” Lubos na ang pagkainis ni Ingrid. Hindi lang niya gusto ang kuwintas, kung hindi gustong-gusto. Pero paano pa niya isusuot iyon kung galing na sa basurahan? Unti-unting hinubad ni Ingrid ang pekeng kuwintas. Alam niyang hindi magtatagal ay magkakaroon na iyon ng allergic reaction sa balat niya. "For your information, my dear sister... hindi ako nagpunta rito para makipagbalikan kay Caleb.” Pagkasabi nun ay
Last Updated : 2025-09-14 Read more