Tahimik sa loob ng kotse. Tanging tunog lang ng makina at mahinang ulan sa windshield ang maririnig habang nagda-drive si Sebastian. Nakatingin si Althea sa labas ng bintana, pero alam niyang kahit hindi siya lumilingon, ramdam ni Bash ang bawat galaw niya. Parang masikip bigla ang loob ng sasakyan. Hindi dahil sa espasyo — kundi dahil sa hangin sa pagitan nila. ‘Yung tahimik pero puno ng hindi nasasabi. “Seatbelt,” mahinang sabi ni Bash, hindi inaalis ang tingin sa daan. Napatingin siya, bahagyang nagulat. “Ha?” “Your seatbelt,” ulit nito, at bago pa siya makagalaw, inabot na ni Bash ang strap. Dumulas ang kamay nito sa balikat niya habang isinusuot iyon, mabagal, deliberate — parang sinasadya. “Got it,” mahina niyang sabi, pilit pinapakalma ang sarili. Pero nang dumikit ang daliri nito sa leeg niya, para bang bigla siyang naubusan ng hangin. “Good girl,” bulong ni Bash, halos hindi marinig pero sapat para magdulot ng kilabot sa batok niya. “T-Thanks,” sagot niya, pilit n
Dernière mise à jour : 2025-10-24 Read More