Nyx's Point of ViewPAGDATING namin sa bahay, agad kaming sinalubong ng dalawang bata. Nagmano si ABC sa amin ni Liam, habang si Nathaniel naman ay humalik sa aking pisngi—pero agad ding dumikit sa kanyang Tito Liam, parang hindi na ako kilala.Nagmano rin kami kay Nanay Alejandra nang lumabas siya mula sa kusina."Mabuti at naisipan mong pumunta dito, Liam," ani Nanay Alejandra habang inilalapag ni Maricel sa mesa ang mga pagkaing niluto niya—puto at bibingka, may kasamang juice pa.Don't get me wrong. Palagi kong ipinagbabawal kay Nanay Alejandra na magtrabaho sa bahay, pero matigas ang ulo niya. Gusto niyang laging may ginagawa, baka raw maburyong ang utak niya at mabaliw siya kapag puro upo lang ang ginagawa. "Iyang si Natnat kasi, laging bukambibig kung kailan ka pupunta dito," ani Nanay habang ngumiti kay Nathaniel."Pasensiya na po, masyado lang pong busy. Ang daming pinapagawa ng mga pamilya ko," tugon ni Liam, kalmado a
Last Updated : 2025-11-07 Read more