Nyx's POVMAS lalo kaming naging alerto pero siyempre, nagmukha pa rin akong kalmado sa harap ng anak ko.Iyon lang ang sinabi ni Maverick bago niya tuluyang pinatay ang tawag. Hindi na ako umapila pa. Hinayaan ko na lang siya, dahil alam kong mas alam niya kung ano ang dapat gawin kaysa sa akin.Tahimik akong nagtungo sa kwarto ng anak ko. Tulog na siya, gaya ng nakasanayan. Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan kung gaano siya kapayapang natutulog, parang walang kaalam-alam sa bigat ng mundong ginagalawan namin.Inayos ko ang kumot niya, saka napagdesisyunang humiga sa tabi niya para mas pagmasdan ang bawat detalye ng mukha niya.Ang mataas na tulay ng ilong niya ay mana sa ama niya, maging ang hubog ng kilay at ang haba ng pilikmata. Ang tanging sigurado akong sa akin niya nakuha ay ang lambot ng puso niya.Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako sa tabi niya.Isang marahan
Terakhir Diperbarui : 2025-12-26 Baca selengkapnya