Nyx’s Point of View“NAY, huwag po ninyo masyadong ilakad-lakad kung saan si Nathaniel, ha.” Bilin ko kay nanay pero agad akong nakatanggap ng mahinang hampas mula sa kanya.“Kanina mo pa inulit-ulit ‘yan.” Suway niya sa akin kaya balisa akong ngumiti. Hindi ko kasi maitago ang kaba kaya paulit-ulit na lang ako sa pag-utos upang kahit papano ay maalis ang kabang naramdaman ko.“Alam kong kaya mo ‘yon, Nyx. Para sa anak mo.” Bulong ni nanay, malapit sa tenga ko.Tiningnan ko si Nathaniel na mahimbing ang tulog matapos ko siyang pasusuhin. Mamaya, kapag gigising, papakainin pa siya ng gulay—paunti-unti pa lang. Sabi ng doctor.“Para sa anak ko…” halos hindi ko na marinig ang sarili kong sinasabi.Kahit may kunting lakas na ako ng loob, hindi pa rin maalis sa akin ang pangamba.Where’s the confidence you had, Nyx Dela Cruz? singhal ng utak ko.“Sige na, ako na ang bahala kay Nathaniel na sobrang gwapo.” Pinuntahan
Terakhir Diperbarui : 2025-10-03 Baca selengkapnya