Nyx’a Point of ViewHINDI ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa dalawang mensaheng natanggap ko. Kaya nagising akong sabog ang aking utak tapos ay narinig ko pang umiiyak si Nathaniel.“Mom…my!” humihikbi niyang sigaw habang tumatakbo patungo sa akin. Nasa likod niya si Maricel na halatang kakagising lang din dahil sa ayos ng kanyang buhok na parang pugad ng manok. Agad na yumakap sa akin ang maliit na imahe ni Nathaniel nang umakyat sa higaan ko. Mainit ang kanyang pisngi sa dibdib ko, nanginginig ang maliit na katawan.“Tahan na, baby. Tahan na,” pang-aalo ko, marahang hinahagod ang kanyang likod.“Kanina pa pala siya umiiyak, ginising ako ni ABC,” sumbong ni Maricel habang papalapit.“Gano’n ba?” Tumango siya. Hinawakan ko ang leeg ni NatNat, pero hindi naman siya mainit. “Anong nangyari, baby?”“Mom…my, I saw Dad…dy.” Umiiyak siya, halos hindi na makahinga. “Blo…blood…” Natigilan ako.Anong sinasabi ni
Last Updated : 2025-10-09 Read more