Nyx's Point of View "NAY, kayo na po ang bahala kay Nathaniel," sigaw ko mula sa labas ng kwarto habang sinusuot ang aking heel at abala sila sa loob. "Oo naman. Bantay-sarado ko itong apo ko, kaya wala kang dapat ipag-alala," nakangiti niyang sagot habang buhat si Nathaniel, na nakasubo pa ang hinalalaki. "Nasa may bote po 'yong gatas na pinump ko kaninang umaga. Iyon po ang ipainom ninyo kapag nagutom siya," bilin ko pa. Pagkatapos ay muling binuhat si baby, at hinalikan sa kanyang ulo bago ko siya iniabot kay nanay. Nagpaalam na ako—baka hindi na naman ako makapasok at tuluyan na akong pagalitan ni Liam. Mabilis lang ang biyahe dahil kabisado ni Nathan ang pasikot-sikot ng daan. Pinahiram kasi ako ni nanay ng lumang kotse niya, at dahil hindi ko pa kabisado ang ruta, si Nathan ang nagmaneho. Dala ko ang aking resume. Ayokong maging mabilis ang lahat, ayokong isipin ni Liam na tinetake-advantage ko ang kabaitan niya. Kahit maliit lang ang posisyon, basta makapag-ipon ako para
Last Updated : 2025-09-23 Read more