MirandaPag-uwi namin galing sa trial, halos hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nasa kotse. Pagdating sa bahay, ako ang unang bumaba. Pagpasok ko sa sala, tinapon ko agad ang bag ko sa sofa at napaupo ng padekwatro.“Sa wakas,” sabi ko, sabay hinga nang malalim. “Ang galing nila Ronio. Halos maiyak pa.”Sumunod pumasok sina Mama at Papa. Si Mama, mga tumatawa rin.“Mira,” sabi niya, “mukhang naniwala ang judge sa mga sinabi nila.”Napangisi ako. “Hindi lang judge. Pati si Shane, Ma. Kita mo mukha niya? Parang nalito na.”Umupo si Papa at natawa nang mahina. “Oo nga. Kanina hindi makatingin sa’yo nang diretso.”Lalo akong natuwa. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanila.“Pero makinig kayo,” sabi ko. “Hindi pa tayo puwedeng mag-relax.”Nawala nang kaunti ang ngiti ni Mama. “Bakit?”“Kapag nakulong na sina Ronio, Lopez, at Tan, doon delikado. Baka matakot at magsalita.”Tahimik sila sandali.“Tama ka,” sabi ni Papa. “May mga tao sa loob na puwedeng kausapin.”Lumapit ako sa mesa at k
Baca selengkapnya