MelodyNakita kong tumalikod si Miranda. Bago siya tuluyang lumabas ng pinto, huminto siya saglit.“Kayo na ang bahala sa kanya,” sabi niya sa mga tauhan niya. “Siguraduhin n’yo na mabubura na siya sa mundo oras na hindi bumalik si Audrey.”Pagkasabi niya noon, tuluyan na siyang umalis. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Parang sumara rin ang pag-asa ko.Lumapit sa’kin ang mga lalaki. Nakangisi sila. Hindi ko napigilan na magsisigaw sa kaba.“Huwag kayong lalapit! Tulong! Saklolo!” sigaw ko.“Sige, sumigaw ka lang,” sabi ng isa. “Kahit mapaaos ka pa, walang darating.”“Maghanda ka na,” dagdag ng isa pa. “Isa-isahin namin aalisin ang mga laman mo.”Sabay-sabay silang nagtawanan. Malakas. Walang awa.Napaiyak ako nang tuluyan. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas.“Tulong!” sigaw ko. “Maawa kayo! Tulong!”Mas lalo lang silang natawa.“Sabi sa’yo, walang tutulong,” sabi ng lalaking may hawak na kutsilyo. “Dito ka na
Baca selengkapnya