ANNAPag alis nina Miranda, Agnes at Billy, ramdam ko agad ang inis. Alam kong may kinalaman sila sa nangyari sa korte, at ang lakas ng loob nila na magpunta sa bahay namin.Habang hinahalo ko ang ulam ay may napansin ko ang kakaiba. Bigla akong napasigaw, “Lester… Don Gregor… look at this.”“Bakit?” tanong ni Lester habang nakatingin sa akin.“Parang may buntot ng daga sa ulam,” sagot ko, halata ang pagkainis at konting takot sa boses ko.Tumingin si Don Gregor, “Wait… really? Paano nangyari ‘yan?”Tinawag ko ang katulong agad. “Manang, tanggalin mo lahat ‘to. Linisin mo ng maayos, make sure walang matira na sarsa.”Habang nililinis niya ang ulam, tinitingnan namin ito nang mabuti. Napaduwal ako sa iniisip ko habang hawak ang kutsara.“A rat’s tail in our food? Sinandya ‘yan!” sagot ko, halata ang pagdududa.Dumating naman na si Shane at agad niyang tiningnan ang mesa. “Mom? Why? What happened?” tanong niya, papalapit siya sa amin.Tumango ako, pilit pinipigilan ang kaba sa boses ko.
Baca selengkapnya