Pumasok kami sa pribadong lupain. Sumalubong sa amin ang mahalimuyak na bango. Namangha ako sa ganda at lawak ng bahay niya. Mayaman pala talaga ang pamilya Cervantes. Ang pagkakaalam ko’y dalawang ektarya lamang ang bahay niya rito sa Davao. Mali ako sa inaakala ko. Isa pa lang Hacienda meron ang mga Cervantes sa Davao. Kaya pala malaki ang kita nila sa agrikultura. Sila pala ang may malaking sakahan ng brown rice rito sa Davao. Huminto kami at agad kaming sinalubong ng isang caretaker at dalawang katulong. “Magandang tanghali, Sir William..” “Magandang tanghali Mang Jose, kumusta?” “Mabuti naman po, señorito. Narinig namin na patungo kayo rito,” magalang na sagot nito kay William. Maya-maya pa'y sa katulong naman ibinaling nito ang tingin. “Margie, pakiakyat ng gamit nina Ma'am at Sir sa itaas,” utos niya sa isang katulong na babae. Kaagad namang sumunod ang dalawa. “Magandang tanghali po,” magalang kong bati rito. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Ang gan
Last Updated : 2025-10-23 Read more