“Anong ginagawa mo rito?” Lumingon ako sa paligid bago tipid na sumagot, “Para sa trabaho.” Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mukha. “Hindi ka dapat magtagal dito.” Napakunot-noo ako. “Bakit hindi?” Saka may pumasok sa isipan ko. “Hindi ba dapat kasama mo ngayon ang lalaki mo na ipinagpalit sa amin, bakit hindi ka bumubuntot sa kaniya ngayon?” lakas-loob kong wika. Hindi ko alam kung bakit iyon ang kusang lumabas sa bibig ko kahit hindi ko naman iniisip. Seryoso siyang tumitig sa ‘kin. “Ano ang gusto mong ipahiwatig?” “Ano nga ba sa tingin mo?” taas-noo kong sagot. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan namin. At kung bakit nais kong buklatin ang nakaraang pahina sa buhay namin. Gusto ko ng kasagutan na hanggang ngayon ay inaasam ng utak ko.“Hindi ito ang oras at lugar para pag-usapan ito, Trisha,” mariin niyang wika. “Bakit, saan mo ba gustong pag-usapan–sa gubat, sa ilog, sa bundok?” pilosopo kong sunud-sunod na katanungan na nagpainit ng kaniyang pisngi. “Bakit, ano
Last Updated : 2025-11-03 Read more