“Sir, pinatata… T-Trisha?!” namilog ang mga mata ng beking si Thea nang mapagawi ng tingin sa pwesto niya. “Bhe! I can't believe… oh, wow, kumusta? Long time no see?” wika nito sa kaniya at nakipagbesohan pa. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang bawat anggulo niya. Nginitian niya ang kaibigan at masaya lamang na tumugon, “Okay lang naman ako, ikaw ang kumusta?” “Hmm,” napaisip ito nang ilang segundo. “Mukhang may nagbago sa ‘yo, a!” curious nitong konklusyon nang may tila napansin sa kaniya. Ang dalawang sina Annie at William naman na nakatayo rin malapit sa kanila ay tahimik na napapakamot na lang, habang pinanonood silang dalawa ni Thea, na wari’y ilang dekada nang hindi nagkikita kung magkausap.“Seems like marami tayong pagchichikahan ngayon,” tuwang-tuwa na saad ni Thea na kulang na lang ay hampasin siya sa braso sa pagkasabik. “K-Kaso…” ngunit, napangiwi naman kaagad nang senyasan siya habang napapaturo sa suot nitong puting rel
Magbasa pa