“Ako na ang magbibigay sa kaniya nito. Ako na ang mag-aabot mamaya.” Nahuli ko ang bahagyang pagkailang sa mukha ng aking ina na pilit niyang tinatakpan ng ngiti. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nasa isip niya. Gayunpaman, halata ang ngiting traydor niya. “Sure, no problem, mas mabuti nga kung gano’n, hijo..” “May iba ka pang sadya?” pasimpleng inilapag ni William ang folder sa mesa niya. “Naku, hijo, wala na.. iyan lang.” Tatalikod na sana siya nang may makalimutan siyang sabihin. “Ah, siya nga pala, hijo. Huwag mong kakaligtaan ang family dinner natin mamaya, ha. Darating si Mr. Smith, kailangang naroroon ka. I’m heading out, see you.” Tinapunan niya ako ng tingin bago siya tuluyang umalis. Lihim akong natawa nang sarkastiko. Hindi ako makapaniwala na ganoong klase siyang tao. Buti na lamang siguro at hindi ako katulad niya. Mukhang maraming lihim sa buhay. Nagkatinginan kami ni William. Tiim-bagang niyang inilapag sa mesa ang folder. Hindi na lamang ako kumibo. Il
Last Updated : 2025-10-16 Read more